Day 100/101

40 3 0
                                    



After nung camping natin, matagal tagal tayo ulit bago nagkita. Nahihiya din ako sa lola mo kasi nga feeling ko ako may kasalanan kung bakit ka nilagnat at naisugod sa ospital. Muntik muntikan ka nang mamatay.

Hindi ka makalabas ng ospital kasi nga nag chechemo ka na. Sobrang sensitive na ng katawan mo sa kahit anong bacteria. Naaawa na nga ako sayo. Kung pwede lang na palit nalang tayo, kung may option lang na ganun, sasaluhin ko yang sakit mo.

Pumayag naman yung lola mo na bisitahin kita, kaya after ng klase ko pinuntahan na kita. Dinalhan kita ng fruits. Namiss kita ng sobra eh.

Naabutan kitang nagbabasa ng "Little Women" habang kumakain ka ng mansanas. Nakasuot ka ng bonnet, naglalagas na kasi yung buhok mo nang dahil sa chemo.

Nilapag ko lang yung mga prutas dun sa lamesa. Lumabas yung lola mo at sa akin ka muna hinabilin kasi kailangan nyang bumalik muna ng Cavite.

Ang weird ng ngiti mo saken. Ang creepy.

"Oh? Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong ko.

"Namiss mo ko no?" Sabi mo.

"Hindi no. Wala lang kasing magbabantay sayo dito. Hinabilin ka saken ng lola mo."

"Ulol."

Umupo ako sa tabi mo at pinag masdan ka. Natutuwa nga ako kasi kahit na nahihirapan ka, nagagawa mo pa ding mang-asar.

"Kamusta ka na?" Tanong ko.

"Seryoso? Tatanungin mo ko nyan?" Sagot mo.

"Bakit? Ano namang masama sa tanong na yun?"

"Nakikita mo naman kalagayan ko. Para na akong lantang gulay. Ang panget panget ko na. Nakakaawa ako, I know."

"Konting tiis pa. Gagaling ka din. May chance ka naman gumaling. Wag ka lang maging pasaway."

"Bakit ba kasi nagkaron pa ako ng ganitong sakit? Di pa ba sapat yung sakit na naramdaman ko noon? Kailangan physically masaktan din ako? It's so unfair."

"Ang ibig sabihin lang nyan is you need to learn how to love yourself. Masyado kang nagfofocus sa isang taong binasura ka na."

"Aray ha?"

"I'm just saying. Mag-move on ka na kay Will."

"Naka move on na ako, okay?"

"Ulul. Wag ako, Cora."

"Pati ba naman ikaw? Oo nga. Ayoko na sakanya."

"Pero mga tweets mo puro patama sakanya?"

"Umalis ka na nga!"

"Kita mo? Guilty AF."

It's crazy how a person affects someone's life. 100 days na tayong magkasama, over a hundred days na din kayong wala ni Will, pero hanggang ngayon, hindi pa naghihilom yung sugat na binigay nya sayo. Iniisip mo napaka malas mo kasi nabroken hearted ka na nga, nagka cancer ka pa. Pero hindi mo naiisip na maswerte ka kasi may mga mabubuting tao na nakapaligid sayo at hanggang ngayon ay buhay ka pa at malaki ang chance ng survival mo.

"Pag namatay ako, gusto ko yung abo ko ilagay sa paso, ihalo sa lupa, tapos taniman ng sunflower. Paki-diligan nalang." sabi mo.

"Pag kulubot ka na't nagawa mo na ang lahat ng gusto mo sa buhay, yung sawa ka na talagang mabuhay, ipapaalala ko sa magiging asawa at anak mo."

"Sino kaya yung magiging asawa ko?"

"Aba malay ko. Kung ako, edi maswerte ka. Ako mismo magdidilig ng sunflower mo."

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon