Malapit na yung birthday mo, hindi mo alam na pinagpaplanuhan nila Chloe, Maggie at Kevin yung surprise nila para sayo, pati ako syempre dinamay na nila. Alam na pala nila yung about sa contract natin, sinabi mo pala sakanila. Wala namang kaso saken yun. Alam ko namang mga tunay na kaibigan mo sila.Nitong araw na to, niyaya nila akong tumambay sa Starbucks sa school nyo. Busy ka nung araw na yun sa org nyo eh. Tamang tama daw at pwede na naming pagplanuhan yung birthday mo next week.
Gusto mo daw kasi ng vintage birthday party, nag-iisip nga sila kung sino mga iinvite pa. Invite ko nga daw sila Chito eh. Sabi ko sige lang. Ininvite din nila Kevin yung mga classmates nyong iba at mga members ng org na sinalihan mo.
"Basta ambagan nalang tayo for food, then kami na ni Maggie ang in-charge sa decorations. Oppa, pwede bang ikaw na mag set up ng music? Ipunin mo yung mga 1920s, 30s, 40s chenez na music." Sabi ni Kevin.
"Oh sige. Game ako dyan." Sagot ko naman.
"Chloe, ikaw na in-charge sa pag iinform sa madlang people. Kakunchabahin mo yung lola nya sa Cavite para may magbukas ng condo nya." sabi ulit ni Kevin.
Ang attire daw lahat ng bisita dapat yung pang 1940s era, nung panahon ng world war 2. May mga lalaki daw na dapat nakasuot ng Military attire. Alam kasi nila na gustong gusto mo si Anne Frank kaya gusto nila na ganun yung motif ng party mo. Ang swerte mo naman dahil ganito ang mga kaibigan mo sayo.
After namin mag-usap usap. Ako naman ang nasa hot-seat.
"Oppa, bakit hindi mo i-pursue si Cora? Ligawan mo, ganon." Yep, oppa na talaga ang tawag nila saken.
"Ligawan? Bakit?" Ayoko ding umamin sa mga kaibigan mo. Mahirap na baka may madulas. Lalo na tong si Kevin.
"Don't act like you don't like her. Halata naman." Sabi ni Maggie.
"Paano nyo naman nasabi?" Tanong ko.
"Duhh? Talagang nag eeffort ka sakanya. Talagang sunud sunuran ka. Kala mo ba di namin napapansin? Nagseselos na nga ako." Sagot ni Kevin.
"Oo nga. Tingin ko naman may pag-asa ka dun." Sabi ni Chloe.
"Di pa ata sya ready." Sagot ko.
"HULI KA BALBON!" sigaw nilang tatlo saken.
"Hala?" React ko.
"Oh di'ba napaamin ka namin?" Says Maggie.
"Oo na. Oo na... May feelings na ako for her. Pero... Hays. Ayoko pa. At alam kong ayaw nya pa. Wag nyo tong sasabihin sakanya. Please promise me."
Nag promise naman sila.
"Nako, oppa. Wag ka nang magpatumpik tumpik pa. Lalo na ngayon at cool off yang mga ex nyo. Okay, ang weird lang. Mga ex nyo pa nagkatuluyan." Sabi ni Kevin.
"Senyales lang yan na totohanin nyo na yang contract nyo. Dami nyo pang keme sa buhay eh." Sabi ni Chloe.
Gusto ko munang maka recover ka ng todo kay Will. Aaminin ko takot pa din talaga akong magmahal eh. Oo open minded ako sa ganyang business, pero nakakatakot mag invest ng feelings sa taong hindi sure. Baka mamaya scam eh.
Hindi naman ako nagmamadali eh. Gusto ko munang mas makilala ka pa. Kung mahuhulog ka saken, sasaluhin naman kita eh. Pero sana nga. Sana nga totoong may chance ako sayo.
Hindi tayo nagkita ng araw na to. Hindi mo nga alam na nagpunta ako sa school nyo nung araw na to eh. Kinamusta kita nung pagka uwi ko. Sabi mo okay ka lang naman. Busy ka sa pag dedesign ng banner para dun sa event ng org nyo. Kinamusta mo din naman ako. Sabi ko okay lang din. Review review lang for quizzes.

BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Fiksi RemajaKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.