Kwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.
Hindi ka halos nagparamdam saken nyan. Hindi ko alam kung umuwi ka na ng Manila o kung ano na ang nangyari sayo. Pinipigilan ko yung sarili ko na ichat ka. Baka kasi maawkwardan ka o baka isipin mo na may gusto na ako sayo. Inisip ko nalang na baka nanunuod ka lang ng Kdrama at ayaw mong magpa istorbo.
4 days na pala akong nagddriving lessons. Umikot pala kami ni kuya Leo hanggang MOA kasama si Gia. Masaya naman. Food trip pag napagod. Sinamahan din namin mag photo op si Gia. I made myself busy para di ka masyado mapansin.
Day 54 ng 9:00, nasa kwarto na ako. Tingin ako ng tingin sa phone ko, wala ka pa ring parandam. "Active 12 hours ago" yung nakalagay.
Me to self: Wag mong icha-chat. Wag mong icha-chat. Wag mong i-cha-chat.
Nilapag ko yung cellphone ko sa desk next to my computer. Para akong tanga na naka upo lang at pinipigilan ang sariling kunin at tignan yung phone ko. Tumayo ako, humiga ako sa kama.
Binuksan ko nalang yung TV at nanuod ako ng 'Pixels'. Kahit na anong focus ko sa panunuod, talagang hindi ko mapagilan ang sarili kong mag-antay.
Tapos after mga 10 minutes, tumunog yung cellphone ko. May nagchat. Nagmadali talaga akong tumayo at abutin yung cellphone ko. Nabasag ko pa yung mug na nasa desk (Napagalitan ako ni mama syempre.
Excited na excited akong buksan.
Pagka bukas ko:
"Chito Arrienda sent you a photo"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Puta tol sarap! Kaso sobrang anghang tol! Namanhid ako tangina!!!"
Muntik ko nang ibato yung phone ko sa sobrang inis. Hahaha! Akala ko ikaw na, yun pala si Chito lang! Yung feeling na ayoko ngang icheck ang cellphone ko pero wala na, hawak ko na, ichecheck ko na kung nag online ka ba.
"Active 12 minutes ago." yan nakalagay sayo.
Nattrigger na talaga akong i-chat ka, lalo na at nakita kong nag-online ka 12 minutes ago. Yung huling usapan pa natin 10:44 pm yesterday, yung good night ko lang. Hindi mo pa nase-seen.
Hindi ako makatiis. Chinat na kita.
"Psssst. 😊"
Finally nag-seen ka.
Kaso tagal mo pa rin magreply. Feeling ko tuloy iniiwasan mo na ako.
"Yu 😢" reply mo after 10 minutes.
"Oh bakit? What's wrong?"
"Gusto ko nang mamatay, Yu."
"Ha? Nababaliw ka na naman. Bakit? Ano bang problema?"
"Madami. Hays. Gusto ko na mamatay."
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Teka tatawagan kita. Sagutin mo ko."
Tinatawagan nga kita. Kaso ang tagal mo sumagot. Naka ilang dial ako bago mo sagutin.