December 4, 2015. 19th birthday eve mo. Wala ka talagang ineexpect sa araw na yun kasi busy ka sa school. Mukhang nakalimutan mo na nga na birthday mo eh. Little did you know na everything and everyone's ready and excited, maski ako. First time ko lang maging part ng surprise vintage, world war 2 era birthday party.Long sleeves na white, slacks na high-waist at suspenders yung OOTD ko for your birthday haha! At umorder ako ng sunflower bouquet para sayo. I know how you adore sunflowers. Ang ironic nga eh, napaka dilim ng tingin mo sa buhay mo pero gusto mo ng sunflowers. Alam mo, para sa akin, wala nang mas liliwanag sayo. You shine brighter than anyone.
Sila Chito, Teddy at Inggo ready na din. Military outfits daw sila. Di ko nga akalain na sasama sila kasi usually hindi sila interesado sa mga party.
Niyaya tayo maglunch nila Maggie, Chloe at Kevin. Ang tagal mo nga dumating. Naka order na kami't lahat wala ka pa din. Di ka naman daw nila classmate nung last period nyo kaya hindi ka nila kasabay.
After 20 minutes dumating ka na. Putlang putla ka na naman at mukhang hindi ka talaga okay.
"Beks! Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" Tanong ni Kevin.
Nung papalapit ka na sa kinauupuan namin, bigla nalang may tumulong dugo mula sa dalawang butas ng ilong mo at bigla ka nalang hinimatay.
Sobra kaming nag-alala para sayo. Binuhat kita papuntang Emergency room sa ospital ng school nyo. Tinawagan din ni Chloe yung lola mo para iinform na may nangyaring masama sayo.
"May itinatago sa atin tong si Cora eh. Matagal ko nang pansin na may tinatagong sakit yan." Sabi ni Kevin.
"Laging nilalagnat, kahit may lagnat pumapasok pa rin." Sabi ni Chloe.
"Yung mga pasa nya pa. Shit! Wag naman sana." Sabi naman ni Maggie.
Gustong gusto kong umiyak at nanlalamig yung mga kamay ko habang nakaupo kami sa waiting room.
Mga 5:00pm na nakarating yung lola mo kasama yung katulong nyo. Nagpakilala at nagmano kami sakanya. Hindi din nya maitago yung pag-aalala nya sayo.
"Thank you mga apo. Salamat sa pag-sabi tungkol sa nangyari kay Cora. May sinabi na ba tungkol sa kalagayan nya?" Tanong ng lola mo.
"Inaantay po kayo ni doc sa clinic nya. Samahan ko na po namin kayo papunta dun." Sabi ni Kevin.
Hindi kami pinayagan nung doctor na pumasok sa clinic kasi nga confidential. Pero nung lumabas yung lola mo, sinabi nya kung ano ang diagnosis sayo. Sabi daw nung doctor kailangan magsagawa ng tests para maconfirm kung may acute lymphoblastic leukemia ka.
Naluha talaga ako. Di ko na naitago. Maski sina Kevin at lola naiyak na din. Nakakatakot yung sakit mo. Alam namin na maliit lang ang chance na maka survive ka sa sakit mo.
Umuwi na sila Maggie, kami nalang ng lola mo ang natira sa pagbabantay sayo. Ang haba ng tulog mo. Naaawa ako sayo kasi ang daming nakaturok sa mga ugat mo. Pero alam kong kakayanin mo ang lahat kasi nga matapang ka.
"Ikaw ba yung boyfriend nya?" Tanong ng lola mo. Gusto ko sanang sabihing oo kaso baka magalit ka. Kaya sinabi ko nalang na hindi at magkaibigan lang tayo.
Nagising ka matapos ang pitong oras mula nung dinala ka namin sa ER. Andun ako sa tabi mo. Di na muna ako umuwi sa amin. Dala ko naman yung iPad ko, dun nalang ako nagreview sa may tabi mo. Grabe diba? Acads pa rin.
Dinilat mo yung mga mata mo ng paunti unti. Ako agad ang una mong nakita. Nagtataka ka kung bakit andun ako. Di ka agad nagsalita.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ng lola mo.
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Genç KurguKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.