Day 101

34 2 0
                                    



Late ako sa school. Di na ako pumasok ng first period. Di ako naka-take ng quiz. Sabi ko na nga ba at hindi talagang magandang idea yung pagsundo ko kay Mary. Kung anu ano pang mga muntik mangyari.

Kinwento ko nga kela Teddy, Inggo at Chito yung nangyari sa amin ni Mary. Ayun. Sinermunan nila ako. Alam mo naman na kamping kampi sila sayo eh. Sabi ko naman sakanila hindi ko tinuloy dahil nga nakonsensya ako.

Nakasalubong ko si Mary sa hallway after naming maglunch. Kasabay nya maglakad sina Megan at Angelique, yung mga ka-squad naman nya sa Archi. Mukhang may hangover pa. Hindi sya makatingin ng diretso saken at ang awkward din naman kasi tumingin nito nila Chito. Hindi nalang kami nagkibuan.

"Grabe brodie. Wag ka mag-alala. Ako nalang sasalo kay Mary." Sabi ni Chito.

"Yung panget nga hindi mo mapasagot, ayan pa kaya?" Sabi ni Inggo.

"Tanginang to. Nilibre na nga kita ng extra rice gaganyanin mo ko? Wag ganon brad. Amin na yung sampu ko." Sabi ni Chito.

Nakareceive nga ako ng message from her. Nagsosorry na naman sya. Sabi ko okay lang.

Kinamusta nga din kita. Sabi mo masaya ka. Tinanong ko kung bakit. Yun pala binisita ka ni Will sa ospital. Dun pala sya nag iintern sa ospital ng school nyo. Tuwang tuwa ka kasi dinalhan ka nya ng pagkain.

Nanggigigil nga ako habang pinag uusapan natin yun. Ano bang gusto ng Will na yun? Parang gusto pa atang makipagbalikan sayo. Nainis nga din ako sayo kasi parang wala nang silbi yung kontrata natin. Gusto ko na ngang sumuko nalang kasi parang wala namang epekto yung kasunduan natin. Hanggang ngayon patay na patay ka pa din kay Will.

Hindi nga kita nabisita ng araw na to kasi busy na naman ako. Pero kahit na busy ako, hindi pa din mawala sa isip ko yung fact na binibisita ka ng walanghiyang ex mo na ex na din ng ex ko. Alam kong gusto nya ulit kuhanin ang loob mo.

Medyo grumpy ako sayo noong araw na yun. Hindi kita masyadong chinachat at sini-seenzone lang kita. Napapaisip na ako ng kung anu-ano. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Pakiramdam ko hindi naman nagwowork yung mga bagay na ginagawa ko para sayo. Na kahit anong gawin ko eh hanggang ganito lang talaga ang tingin mo sa akin.

Cora, hindi ako isang obra na matapos mong ipinta eh ididisplay mo lang. Gusto ko ako yung paintbrush mo. Gusto ko ako yung pintura mo. Yung canvas. Yung mga bagay na tutulong sayong makabuo ng isang magandang pyesa.

You: Hoy. Ano bang problema mo? Bakit ang sungit mo?

Me: Busy ako.

You: Weh? Kanina di ka naman ganyan sumagot ah.

You: Yu... Ano ba yun?

You: Hoy.

Me: Sorry gumagawa ako plates.

You: Ahh okay istorbo na ako?

Me: Di naman.

You: Geeeeez. Dahil ba kay Will kaya ganyan ka na naman?

Me: Luh?

You: Kitams? 😏

Me: Pinagsasabi mo?

You: Nagseselos ka ba???

Me: HINDI!

You: :))))))))

Me: ???

You: Sige na nga. Matutulog na ako. Good night.

Me: Night.

Ano nga bang karapatan kong magselos? Meron nga ba talaga akong karapatang magselos? Kahit na naman aminin kong nagseselos ako, ano naman ang mapapala ko? Hindi ka naman akin. Masakit man pero hahayaan kita sa lahat ng gusto mo.

Hindi naman ako agad nakatulog. Natapos ko na lahat ng gagawin ko, di pa rin ako makatulog. Inistalk ko nalang yung profile mo. Tinignan ko mga throwback pictures mo. Andun pa din mga pictures nyo ni Will nung panahong hindi pa one-sided yung love nyo. Para ko ngang tinu-torture yung sarili ko eh. Nanlalamig yung mga kamay ko habang nagsscroll ako.

Naiisip ko sana nauna nalang ako. Sana noon palang nakilala na kita. Siguro hanggang ngayon tayo pa rin. Siguro walang Will ngayon. Siguro walang Mary. Siguro yung problema lang na kahaharapin natin eh yang sakit mo lang. Walang hiwalayang magaganap.

Ang swerte swerte na ni Will sayo. Napaka swerte nya Cora. Lahat na meron sya eh. Kagwapuhan, fame, talino, pera, kotse, pagmamahal mo. Natatakot ako na baka manalo na naman sya.

"Eh paano ka naman kasi mananalo oppa? Hindi mo kayang aminin kay Cora yang feels mo." Chinat ko nga pala si Maggie. Wala akong ibang makausap eh. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng nararamdaman ko.

"Natatakot kasi akong mareject eh."

"Alam mo, kailangan mong sumugal kung gusto mo talaga sya. Kung ireject ka man nya, edi okay. Wala kang magagawa. Pero paano kung may chance ka naman pala? Palagpasin mo wala talagang mangyayari nyan. Mas sayang yun, kesa sa nagtry ka at nareject."

"Paano ko ba aaminin? Tangina. Di talaga ako magaling sa ganito eh."

"Sabihin mo. Straight to the point. Sabihin mo, 'Cora, I love you.' Ganern."

"Kilala mo naman si Cora, she will not take me seriously. Baka sabihin nya nagjojoke lang ako."

"Diskartehan mo. Yung malupit. Dalian mo na kasi umaaligid na naman yung kalaban e. Sige ka, maunahan ka nun. Sayang talaga."

Hindi ko talaga alam kung paano ako aamin. Balak ko kasi talagang umamin nalang kapag magaling ka na. Kaso si Will umaaligid na naman. Kung sa video game level 20 na si Will ako level 10 palang eh. Mahirap syang kalaban.

"Totoo ba talagang crush ako nun?" Tanong ko kay Maggie.

"Siguro. Kamukha mo nga kasi yung crush nyang Korean. Sabi ko nga sayo malaki ang chance mo. Napaka nega mo lang kasi." reply nya.

"Nakakatakot kasi Maggie. Ayoko nang mangyari yung dati. Nakakatakot masaktan."

"Hugot pa, oppa."

"Seryoso nga. 😢"

"Alam mo, oppa, in love, there's no fear, ika nga ni Patty (Starting over again Starring Piolo Pascual). Pero nasa sayo pa din yan eh. Andito lang naman kami for you para iadvise ka."

"Wala ba syang nasasabi sainyo about sa feelings nya para saken?"

"Parang di mo naman kilala si Cora. Di mahilig magkwento yun. Di mahilig sa heart to heart talk yun. Gumagamit man ng mga artistic or poetic reference yun pag nagkkwento, pero never yun magkkwento about sa sarili nyang nararamdaman. Nung maging sila nga ni Will nagulat nalang kami na sila na pala."

Feeling ko tuloy napaka espesyal kong tao para sayo. Sakanila pala hindi ka nagkkwento ng mga bagay bagay na mula sa puso mo. Pero saken parang nakwento mo na halos lahat. Isa din sa mga factor yun na parang ayokong umamin. Kasi magiging awkward ka na around me and baka iwasan mo ako, eventually, kalimutan at iwanan. Ayoko namang mangyari yun.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon