Day 85

32 2 3
                                    



Umaga palang talagang abala na kami sa pagpprepare sa birthday mo. Kahit na nasa ospital ka, syempre tuloy pa din. Pinaki-usapan namin yung doctor mo na pumayag na mag daos ng simpleng vintage party sa room mo. Kaso konting tao lang ang pupunta. Sabi nila Maggie sa mga ka-org mo, next time nalang namin idadaos yung isa pang party mo kapag nakalabas ka na ng ospital.

After ng class ko, kinuha ko na yung inorder kong sunflowers at nagbihis na ako. Kasabay ko sila Chito pumunta sa ospital. Kung anu-anong trivia na yung nalaman ko kay Teddy about sa Acute Lymphoblastic Leukemia. Kahit na engineering student sya, halos lahat alam nya. Para syang walking encyclopedia.

"According to studies and research, About 98 percent of children or teens with ALL (acute lymphoblastic leukemia) go to remission within weeks after starting treatment. About 90 percent naman ng lahat ng batang yun ay may chance na gumaling. Kaso aabutin pa ata ng 10 years bago mag remission. Sa case nya, di ko lang alam. Di ata sya nag treatment no?" Sabi ni Teddy.

"Wala naman kasi syang sinasabi saken. Wala syang nakkwento. Talagang tinatago nya lang."

"Baka naman noon pa may ganyan na sya at tumigil lang ng treatment?" tanong naman ni Inggo.

Wala ka naman kasing sinasabi about sa sakit mo. Ang alam ko lang na hinaing mo eh yung pagka brokenhearted mo kay Will.

Mga 1:00 na kami nakarating ng ospital. Sabay sabay kaming pumasok. May dala kaming cake, yung mga regalo namin sayo, speaker na maliit at yung hard drive ko na may mga 1920s, 1930s at 1940s songs.

Pagpasok namin, sabay sabay naming sinigaw ang "Surpriiiise!!!"

Ako din nasurprise. Andun si Will sa tabi mo. Binilhan ka din ng sunflowers at may regalo din sya sayo. Wala yung lola at katulong nyo. Kayong dalawa lang yung nasa kwarto.

"Huyyy! Grabe. Anong pakulo to? Hahaha!" Sabi mo.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako o ano eh. Nagtataka din kaming lahat kung bakit andun si Will.

"Hi guys." Sabi ni Will. "I heard what happened. I came here as a friend."

Tumingin ka saken at nag-explain. "Ahh alam nya kasing birthday ko ngayon tapos tinanong nya kung asan ako. Sinabi ko lang yung totoo. Wag kayong issue ah. Haha!"

"Nako ha... May balikan bang magaganap?" Sabi ni Kevin.

Ngumiti si Will at tumayo at namaalam na sayo.

"Hey, I better get going now. Happy birthday ulit. Enjoy your day."

Nawalan tuloy ako ng gana. Akala ko ako ang magpapa espesyal ng birthday mo. Naunahan pala ako ni Will. Sino nga naman ba ako? Ako lang naman tong torpeng umaasa na magkakatotoo ang isang panaginip.

Habang nag-sasaya sila doon ag kinakausap ka, andun lang ako sa may gilid. Hindi kita nilapitan. Nilapag ko nalang yung sunflowers tsaka yung mga regalo ko sayo doon sa upuan. Paintbrushes yun na inorder ko sa internet. MyArtscape yung brand, 15 pieces. Nagresearch pa ako kung ano ba ang pinaka the best na paint brush brand. Kasama nun, binilhan pa kita ng acrylic paints from MyArtscape din, tapos yung DIY birthday card na ginawa ko for you. Lagas ang ipon ko. Pero okay lang, para sayo naman yun.

Kinalabit ako ni Chito. "Pare, okay ka lang?"

"Ah. Oo. Okay lang. Bakit?"

"Wala lang. Bakit hindi mo nilapitan si Cora?"

Di nalang akong kumibo. Hinayaan nalang kita na makabonding mo yung mga kaibigan mo. Selfie selfie kayo together, kasama nyo sina Inggo at Teddy.

"Oppa! Sama ka sa picture!" Sabi ni Maggie.

"Sige lang, kayo nalang." Sabi ko.

Napansin mo ata na iba na yung mood ko. Napansin mong nagselos ako.

"Uy, Yu! Para saken ba yan?" Tanong mo.

Inabot ko sayo yung regalo, walang kibo. Gusto ko talagang iparamdam sayo na nagtatampo ako. Well, hindi tampo. SELOS. Oo. Selos. May karapatan din kaming mga palihim na umiibig magselos.

Pikon na pikon na talaga ako dyan sa Will na yan. Pagtapos nyang gaguhin si Cora, sinunod si Mary, ngayon naman gumagapang pabalik kay Cora. Gustong gusto ko na syang suntukin. Konti nalang.

After naming magsi-kainan at after nyong magpicturan, lumabas silang lahat at iniwan tayo. Mukhang sinadya nila. Papalabas na sana ako nun pero sabi ni Kevin wag daw kitang iwan. Kaya nagstay nalang ako.

"Oh, bakit ka nag-iinaso?" Tanong mo.

"Nag-iinaso?"

"Aysus. Kunwari pa sya. Sorry na."

"So, nag uusap pa rin pala kayo?"

"Recently lang."

"Ah."

"Nangamusta kasi sya."

"Ahh..."

"Yu naman eh. Galit ka ba?"

"Ha? Bakit naman ako magagalit? Hahaha!"

"Wala lang. Bakit ganyan ka saken? Bakit bigla kang nagbago?"

"Hindi naman ah." Hindi naman kasi ako galit. Nagseselos ako.

"Wag ka na magalit. Thank you nga pala sa gifts. Naappreciate ko."

"You're welcome."

"Akin na din yung sunflowers! Bakit hindi mo saken inabot?"

"Eh meron ka na eh."

"Mas gusto ko yung iyo kasi mas madami. Hayy nako. Nagseselos."

"Hala to. Di no!"

"Guilty AF ka." Nakangiti ka ng inaasar mo ako.

Di nalang ako kumibo. Pinipigilan ko ngumiti. Pero pinapatawa mo ako.

"Kaw ha. Kras mo na ako ah." Sabi mo habang kinukurot mo yung pisngi ko.

"Hindi kita crush. Wag kang assuming, Corazon."

"Ulul mo." Binuksan mo yung box. Tuwang tuwa ka sa nakita mo. Para kang nanalo sa lotto.

"Oh my god. Yu!!! Grabe ka!!!"

"Wala lang yan."

"Ang mahal mahal nito!!! Grabe ka talaga!!!"

"Oo mahal talaga yan! Kaya sa birthday ko regaluhan mo din ako ng mahal!" Kahit na yung pagmamahal mo nalang.

Napakababaw talaga ng luha at kaligayahan mo. Napaiyak na naman kita. Ikaw yung tipo ng babaeng napakadaling pasayahin pero madalas namang malungkot.

"Yu, bakit mo'to ginagawa?" Tanong mo.

"Eh, birthday mo eh." Simpleng sagot ko.

"Nanliligaw ka ba?"

Bumilis yung tibok ng puso ko. Yun na nga yung chance na umamin ako sayo, pero talagang malakas ang powers ng pagiging torpe ko. Ewan ko ba kung bakit sayo lang ako natorpe ng ganito.

"Oy, hindi ah! Grabe to mag-isip."

"Okay. Okay. Thank you talaga, Yu. Napakasaya ko ngayong araw."

"Wala yun."

***

Naiinis ako sa sarili ko. Napakadali lang namang sabihin na mahal na kita. Pero hindi ko talaga magawa. Natatakot akong mawala ka eh. Natatakot ako na magbago ang lahat ng sa atin. Lalo na't nasa picture na naman si Will. Ayoko nalang munang isipin. For now, ang gusto ko gumaling ka. Gusto ko mabuhay ka ng matagal. Labanan mo yang sakit mo.

Sabi ng lola mo, after a week pwede ka nang lumabas. Need mo lang magtake ng meds, extra ingat at weekly check-up sa doctor. Sabi mo di ka pa ready sa chemo. Gusto nga daw umuwi ng parents mo para maalagaan ka. Nakakalungkot nga lang kasi postponed yung pag-graduate mo.

Okay lang yan. Kaya kailangan mong huwag maging pasaway at magpagaling ka agad. Namimiss ko na yung mga gala natin. May kukumpletuhin pa tayong bucketlist.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon