Day 31

35 4 3
                                        



Nagchat saken si Mary. Hindi mo alam to eh. Kaya dito ko nalang ikkwento.

Mary Agustin: Kayo na nung ex ni Will?
Me: Yup. Why?
Mary Agustin: Nothing. What a weird coincidence.
Me: I thought so, too.
Mary Agustin: Kelan pa?
Me: Last week lang.
Mary Agustin: Ahh. Congrats. Happy for you. 😊
Me: (Sa isip ko lang) Happy mo'to!
Me: (Sent message) Congrats din. 😊

Happy for me? Di ko talaga alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi ni Mary. Di ko din alam kung bakit kinakausap nya pa din ako nung mga araw na yun. Para ano? Para magpapansin? Para bumalik yung feelings ko sakanya? Di ko din maintindihan kung bakit ganyan yang mga ex na yan. Matapos kang saktan at ipagtabuyan, biglang magpaparamdam kung kailan nakaka-move on ka na.

Hindi tayo nagkita ng araw na to. Sabi mo kasi may pupuntahan ka. Hindi din tayo gaanong nag-usap. Buong araw ata tayo hindi nag-usap eh. Hahahaha! Di ko naman alam kung saan ka nagpunta.

Nakitambay nalang ako doon sa bahay ng classmate kong si Chito. Ayun, pinag-usapan ka namin. Saan daw ba kita nakilala, masaya daw siya kasi naka-move on agad ako. Ipakilala daw kita sakanya. Hindi mo pa sya nakikilala in person eh. Basta sya yung kaklase kong mataba na hopeless romantic. Kamukha nya si Bayani Agbayani. Mahilig din syang magsulat kaso nilamon na din ng sistema ng Engineering. Naiinggit nga sya saken kasi may bago na daw agad ako. Ilang taon na kasi tong naghahanap ng girlfriend, hanggang ngayon wala pa din.

"Pogi kasi ako brodie. Natatakot silang lumapit. Nahihiya." Laging yan sinasabi nya pag may nagtatanong kung bakit wala pa syang girlfriend.

Di ko rin alam kung bakit walang nagtatagal kay Chito eh. Mabait naman sya, galante, romantic, yung tipong kapag ikaw ang girlfriend nya eh ipagmamalaki ka talaga araw araw. Lagi nalang syang ginagawang rebound.

"Tangina. Lagi nalang akong rebound porket mataba ako." Yan, lagi nya rin yang sinasabi yan.

Si Chito palagi kong kasama sa school. Hindi ko lang sya naipapakilala sayo kasi lagi nga din syang busy at strict ang parents. Bahay-School lang ang route nya. Pero hayaan mo, ipapakilala din kita sakanya sa tamang panahon. Pag hindi na sya busy at natuto na syang magsinungaling sa nanay nya.

Medyo namiss kita ng araw na to. Parang naging kultura ko na na kausapin ka. Nag leave nga ako ng mga messages sayo di'ba? Ginagampanan ko na yung Fake Boyfriend duties ko. Naks.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon