Day 180

21 0 0
                                    




Naramdaman ko na nagbabago ka na. Hindi na tayo nakakapag usap magdamag. Parang ayaw mo na akong makita. Ayaw kong mag-alala pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Kinausap ko din si Maggie about you, wala din naman syang masabi dahil nga hindi ka din naman nagkkwento.

Ayaw din naman kitang i-chat ng kung anu ano kasi baka lumala ang sitwasyon. One liner ka nalang sumagot at minsan seen nalang. Ang hirap nang mag-initiate ng conversation. Iniintindi nalang kita, baka nga busy ka. Inaalis ko sa isipan kong iniiwasan mo ako, pero parang ganun ang ipinaparating mo eh.

Nagpaka busy nalang talaga ako ngayong araw na'to. Nag basketball ako, nagbantay ng tindahan, nagdota, nagfacebook facebook, naglaba, umidlip, nanuod ng pelikula at nagbasa ng libro. Lahat na ng pwede kong gawin ginawa ko na para lang hindi ka muna isipin. Pero wala eh. Malakas ka talaga. Hindi ko kayang hindi ka isipin. Hanggang sa panaginip ko nga andun ka pa din. Kasama daw kita sa airport, pupunta na daw tayo Amsterdam. Kala ko nga totoo na eh. Hindi pala.

Naisip ko din kung posible bang magkaroon ng time travel. Inisip ko din kung bakit imposibleng makagawa ng ganun. Naisip ko din na what if, kapag namatay ka eh hindi ka na makakaalis sa panaginip na meron ka? Posible bang mamuhay sa isang panaginip? Mababaliw na ako sa kakaisip ng mga bagay-bagay. Pakiramdam ko mababaliw ako pag pinilit kitang alisin sa isipan ko.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik, chinat kita bago ako magsulat dito sa journal ko.

[Chekwa:] Pssst.

Medyo matagal bago ka nagreply. Napaparanoid ako. Iniisip ko na baka naman nakita mo na yung message ko but you chose to ignore it.

[Chekwa:] If this is all about the drunk-texts that I've sent you, please. Kalimutan mo na yun. Wala lang yun.

Finally, nag-seen ka.

[bHoszx:] Ha? Wala naman saken yun. Baliw.

[Chekwa:] Feeling ko kasi iniiwasan mo na ako. Pakiramdam ko hindi na tayo friends.

[bHoszx:] Friends pa din tayo ano ka ba.

[Chekwa:] Talaga?

[bHoszx:] Yu, ayos lang tayo. Ok? Friends. 👌🏻

After that conversation, ganun pa din. Wala namang pinagbago sa behavior mo. Iniisip ko nalang na baka nga busy ka sa kakapanuod mo ng Kdrama. Lalo lang naging malinaw sa akin na friendzoned na ako.

Simula noong araw na 'to, tinatak ko na sa kokote ko na hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Hindi na ako naglakas loob na umamin sayo dahil baka lalo lang masira ang pagkakaibigan natin.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon