1. "Sir, Blade"

13.3K 260 18
                                    

"Sir, Blade"

(sa totoo lang... pangasinan version talaga ang Sir Blade... Kaso, sinabi sa akin ni bestfriend... Na i-tagalize ko daw at i-upload dito...)

"Anghel ka?" gulat na wika ni Rane.

Katatapos lang gumawa ng spell ni Rane kung saan may lalabas daw na anghel. At matapos nga niyang gawin ang naturang spell, bigla na lang nagkaroon ng makapal na puting-usok sa buong paligid ng lumang simbahan na kinaroroonan niya... At kasabay ng marahang paghupa ng usok ay ang biglaang paglitaw ng isang lalaki... Mataman siyang napatitig dito at hindi siya makapaniwala sa biglaan nitong paglitaw. Hindi niya alam kung totoo ba o ano ang nangyayari.

"Hindi, manok na napisat. Bakit, bulag ka ba?"

Ang pasupladong wika ng lalaki.

"Ande lay atet!" biglang bulalas ni Rane.

( Ande lay Atet-expression sa pangasinan kapag hindi ka naniniwala sa sinasabi ng kausap mo. )

"Atet mo lang, sayung-sayo na." sagot ng lalaki.

Matangkad ito at may mahabang buhok na parang pina-SALON sa straight. Nakasuot ito ng itim na jacket na may design na pulang cross. Puting t-shirt ang panloob nito. Gray ang pantalon at nakasapatos... Mukha naman itong normal. Nang hindi inaasahan...

"Naku, nakawala ka na, Blade!" wika ng isang higanteng gagamba.

Iisa lang ang mata nito at nasa pinakagitna iyon ng ulo nito.. Bigla na lang itong lumitaw mula sa bintana ng simbahan na wasak na... Kulay-itim ito at mabalahibo... Malalaki ang pangil nito sa bunganga.

"Huwag ka ngang sumasabat kuto ka! Magtigil ka diyan, baka gusto mong tirisin kita?!" sagot bigla ng lalaking nagngangalang Blade.

Mukhang hindi man lang ito natatakot. Hindi man lang ito natinag sa biglaang pagsulpot ng higanteng gagamba na nagsasalita pa.

"Mayabang kang animal ka! Nakawala ka lang diyan! Gagamba ako, hindi kuto!" inis na wika ng gagambang halimaw.

"Mas animal ka! Pinakawalan lang naman ako ng babae diyan." wika ni Blade.

Biglang binalingan ng higanteng gagamba si Rane at galit na galit na tumingin.

"Kuwatet ka ya lase!" galit na wika ng gagamba.

( Kuwatet ka ya lase- Pakialamiro/pakialamira kang lase ka! Lase-shortcut ng anak na lase. )

Natigilan si Rane at natakot... Samantalang si Blade, binasa niya sa lumang bato kung saan nakasulat kung papaano maibabalik ang kanyang kapangyarihan... At sa pamamagitan iyon ng espiritu ng tao. Biglang umatake ang kalaban, naglabas ito ng maraming sapot papunta sa kanila.

"Kakainin ko kayo!" biglang wika ng gagamba.

Mabuti na lang at mabilis na kumilos si Blade. Hinila nito palayo si Rane at agad silang tumakbo palayo sa gagamba.

"Huwag ka ngang tatanga-tanga! Nakamata ka lang diyan, mamamatay ka na!" mabilis silang nagtago sa likod ng mga guho ng lumang simbahan. Matapos nilang magtago mula sa kalaban ay biglang binalingan ni Blade ang kasama niya. At walang anu-ano'y...

"Hoy, babae! Halikan mo ako, dali!"

"Ano?!" gulat na wika ni Rane.

Nanlaki ang mga mata niya at napalunok siya ng wala sa oras. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya na para bang lalabas na sa kanyang dibdib. Yamot naman na napatingin lang si Blade sa naging reaksyon ng kasama niya. Tapos ay..

"Anak na lase! Hindi ko rin naman gusto, kailangan lang ano?!" bulalas niya.

"OMG! Hindi!" wika ni Rane sa kanyang isipan.

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon