"The Devil's Music"
Part II
Napabuntung-hininga si Camael habang papasok sa loob ng classroom. Siya muna ang pansamantalang papalit kay Blade para magturo habang nasa mission ito... Si Raphael naman ang pumalit kay Hunter... At sa gabi naman, si Cassiel ang bahala sa radio program ni Drake...
"Good morning, Class!"
Natigil ang daldalan sa loob ng classroom at puno ng pagtataka ang mukha ng mga estudiyante habang nakatingin sa kanya. Nagbulungan ang mga ito... Hanggang sa may hindi na nakatiis. Tumayo si Barry.
"Excuse me, po... Nasaan si Sir Blade?"
"Nasa malayo, may importante siyang inaasikaso at pansamantala... Ako muna ang papalit sa kanya para magturo. Ako nga pala si Camael..." seryoso niyang wika at inayos ang kanyang salamin.
Nagtataka namang napatingin sa mukha ni Camael si Rane... 'Ano na naman kaya ang nangyari?'
"Siya nga pala, Biology ang subject niyo kay Blade di ba? Saang part na ba kayo?" tanong ni Camael.
May sumagot na lalaking estudiyante. Si Wilbur.
"Sir! Sa Reproductive System!!.."
Nanlaki ang mga mata ni Camael at bigla siyang pinagpawisan... 'R-Reproductive System daw...' Napa-krus siya ng wala sa oras at mabilis niyang tinawagan si Raguel...
"Raguel! Puwede bang ikaw na lang ang magturo dito? Sumama kasing bigla ang pakiramdam ko eh..."
"NOPE... Yakang-yaka mo na iyan! May importante akong inaasikaso eh.."
Napakunot-noo si Camael...
"Bakit? Nasaan ka ba? Tsaka... Bakit maingay diyan?!"
"Nasa Cosplay Convention ako eh... Bye na, naghihintay na ang mga kapwa ko cosplayer... Kailangang mabuo na ang guild ng mga Fairy tail Wizards... Bye at good luck!" si Natsu ang kinosplay ni Raguel.
Tooot!!!.... Gigil na gigil si Camael at napatingin sa mga estudiyante na maang na nakatingin sa kanya. Napalunok siya.
"Magkaklase na ba, Sir?"
"Ah... Oo...."
Binuksan niya ang lesson plan ni Blade kasama ang libro.... Pagkatapos ay pasimple niyang iniladlad ang isang malaking poster kung saan may drawing ng parts ng Reproductive System... 'Kung susuwertehin ka nga naman... Bakit sa lahat ng puwedeng maging topic eh iyon pa ang nataon sa kanya?!'
Nagsimula na siyang magturo at pinagpapawisan talaga siya.... Umingay ang mga estudiyante noong mapunta na sila sa process ng reproduction at fertilization....
"Sir! Paano nagkakaroon ng Fertilization?" si Louie.
"Nagkakaroon ng fertilization kapag nag-meet ang sperm cell at egg cell... Sa dalawang maliliit na cell na iyon, doon kayo nabuo... Galing sa mga magulang niyo.."
Natawa ang mga estudiyante at nasapo naman niya ang bibig... Tama ba ang nasabi niya? Parang may mali?!
"Sir! Paano naman ang process ng pagme-meet ng sperm cell at egg cell? Siyempre, hindi naman basta sila nagmeet at nag-u-unite, di ba?" tanong ni Francis..
Naghiyawan ang mga lalaking estudiyante sa tanong na iyon....
"A-Ang process ng pagme-meet ng egg cell at sperm cell ay kapag... Kapag.... Ang lalaki at babae ay..."
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...