27. "An Angel's Love"

2.9K 86 15
                                    

         "An Angel's Love"

Napabuntung-hininga si Hunter at napasandal sa batuhan. Nasa Boracay-Laoac siya ngayon. Dapit-hapon na at naglalakad siya ng mag-isa sa dalampasigan. Napatitig siya sa kulay peach na buhangin... Naiingayan na kasi siya kina Blade at Drake kaya umalis na muna siya ng bahay para naman matahimik ang tenga niya. Nagpasya siyang umakyat sa batuhan para doon magsoundtrip. Mamaya na muna siya uuwi, kapag nag-world peace na ang dalawa. Napayuko siya at tumingin sa mga alon na malakas na humahampas sa mga bato... Napakunot-noo siya ng may makita siyang kung ano doon...

Marahan siyang bumaba at nakita niya ang isang babae na nakadapa, walang malay. Marahan siyang lumapit dito at agad niya itong pinulsuhan.

"Buhay pa siya..."

 Agad niya itong dinala sa ospital pagkatapos niyang bigyan ng pangunang-lunas.

Samantala, napakunot-noo si Zech ng makita niya si Creta. Nasa itaas siya ng lumang gusali para mag-sketch... Natigilan siya ng makita niyang hawak nito ang sketchpad niya.

"Bitawan mo iyan!" inis niyang wika.

Ngumisi si Creta sa kanya.

"You really like this girl, Zech... Puro sketch ng mukha niya ang laman ng iyong sketchpad..."

Ipinakita pa nito sa kanya ang sketch ni Rane... Lihim namang ikinuyom ni Zech ang kanyang mga kamao at napayuko. Inilapag na nito ang sketchpad sa semento.

"Ano na naman ba ang kailangan mo? Wala na akong kinalaman sa inyo, simula ng umalis ako. Hindi naman ako banta sa inyo... Bakit ba?"

"Sayang, isa ka pa naman sa pinakamatalino at pinakamagaling na kasamahan namin... Hindi ka na ba babalik?"

"Hindi na talaga, pasensiya na.."

"Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya, desisyon mo iyan. Alam mong bukod sa'yo, mas nauna pa ako sa'yo na pinilit magtino at magbago.. Pero heto ako ngayon, mas puno ng galit at pagkamuhi."

"Alam ko, Creta. Pero kaya ka nagkaganyan dahil tuluyan mo nang isinara ang isip mo, lalo na ang puso mo."

"Nangyari iyon dahil kinuha Niya sa akin ang pamilya ko. Nagbago ako, nagtino, at naniwalang muli sa Kanya. Pero anong ginawa Niya? Kinuha niya sa akin ang asawa ko at anak ko!" mababakas ang matinding hinanakit sa mukha ni Creta at nangingislap ang mga mata nito dahil sa pigil na luha.

Napabuntung-hininga si Zech. Hindi naman kasi biro ang nangyari dito. Nadatnan na lang ni Creta na walang-buhay ang asawa at ang anak nitong lalaki na magtatatlong-taong gulang. Brutal ang pagkakapatay sa mag-ina.

"Pagkatapos mangyari iyon, nakagawa akong muli ng kasalanan... Pinatay ko ang mga magnanakaw na pumatay sa asawa at anak ko.. Pero hindi ako makuntento, dahil kahit na nakaganti ako... Hindi naman na mabubuhay ang pamilya ko. Kaya bumalik ulit ako sa grupo. Nagpagawa ako sa'yo ng spell para muling ibalik ang mga mahal ko... Nabuhay nga ang mga katawan nila pero wala pa ring kuwenta.. Dahil wala na silang mga kaluluwa, tuluyan na silang kinuha sa akin!" ngitngit nito.

"Hindi mo ba naisip na pagsubok Niya iyon sa'yo? Sadyang naging mahina ka lang.. Nawala man sila, buhay sila sa puso at alaala mo... Hinayaan ka pa rin Niyang maging masaya kahit na sandali lang." wika ni Zech.

"Ewan ko sa'yo. Sabihin mo sa akin iyan kapag dinanas mo din ang nangyari sa akin... Babalik ka pa rin sa Black Circle Oragnization.. Alam mo kung bakit, Zech? Wala ka nang lugar sa langit."

"Hindi ako, ikaw... At hindi mangyayari sa akin iyon dahil kuntento na akong magmahal mula sa malayo. Hindi mo alam kung anong klaseng pagsubok ang ibinigay Niya sa akin. Pero handa ko pa rin namang patunayan ang sarili ko sa Kanya kahit hindi ko alam kung paano.."

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon