"The Mystery of Life"
"Oh grabe, ang galing na ni Ippo! Lumalaban na siya sa WBO! Laking BONA-Batang may laban talaga!" comment ni Blade habang tumitingin ng mga dvd ng anime..
"Heto pa si Naruto... Ang galing na niya.. Ang lakas na! Laking BEAR BRAND siya!..." dagdag pa niya.
Natatawa ang mga kasama niya sa comment niya.
"Uy, paano naman ang paborito mong si Luffy?" tanong ni Hunter.
"Siyempre... King of Pirates... Para sa totoong tagumpay, Laking Emperador! BUWA HA HA HA!"
"Abuwisit ak pa! Ginawa mo namang tomador niyan si Luffy!" pakli ni Drake...
"Archer, nasaan na ba tayo? Akala ko ba may madadaanan tayong isla? Gutom na gutom na kami!!.." untag ni Blade kay Archer.
"Nagtataka nga rin ako... Tama naman iyong ruta na dinaanan natin.. Sinunod ko iyong mapa..." nagtatakang wika nito..
Pauwi na sila galing sa misyon... Medyo naubusan na sila ng suplay sa yate... Kaya naman napagpasyahan nilang dumaan muna sa islang madadaanan nila para kumain at mamili ng kanilang suplay... Kaya lang, mukhang nawawala na sila... Ilang sandali pa, pumasok si Aleister sa loob..
"Nawawala talaga tayo dahil inililigaw tayo ng isang pasaway na sirena! Tulungan niyo akong hulihin siya!" wika nito.
"Talaga, saan?" tanong ni Blade.
Ngunit nilagpasan lang siya nito at nagtungo sa kinaroroonan nila Hunter.
Asar na asar si Blade dahil sa pang-i-snob nito.. Hindi na siya nito kinakausap simula noong malaman nitong lalaki pala siya. Noong bumalik na siya sa normal.. Mukhang na-hurt ito ng husto... Hindi na niya kasalanan iyon dahil wala naman siyang ginawa.
"Nice talking to the air!!... Animal!.." parungit niya dito.
"May isa sa atin ang magiging pain para hulihin ang sirena.. Sino ang gustung maging pain?" tanong ni Aleister sa lahat.
"Ako na." presinta ni Hunter.
"Okay..." ayon pa ni Aleister.
Magkakasunod silang lumabas... Nagtago silang apat at hinayaan nila si Hunter na lumantad ng mag-isa.. Mahamog ang paligid ng umagang iyon... Medyo na-bored na sa paghihintay si Blade kaya naman binalingan na niya ng atensyon si Aleister na noong isang araw pa nang-i-snob sa kanya.
"Uy, espiritistang suplado! Bakit mo ako ini-snob, huh?!.." hindi na naman siya nito pinansin.
Pero hindi niya ito tinigilan sa pangungulit, hanggang sa harapin na siya nito...
"Pagkatapos mo akong linlangin, paasahin.... May gana ka pang sitahin ako kung bakit hindi kita pinapansin?! Ang kapal din naman ng mukha mo!"
"Ay sus! Talagang makapal ang pagmumukha ko no.. At pasensiya ka na kung nahulog ka sa makamandag at panandalian kong kagandahan.. Sorry kung na-hurt ka... Ako ba ang first love mo kung sakali, huh?" nakangisi pa niyang turan.
Nanlaki ang mga mata ni Aleister at namula ang mukha nito. Bigla nitong ibinaling ang atensyon kay Hunter na nakatanaw sa dagat...
"Confirmed!" wika ni Drake at natawa.
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...