16. "Substitute muna si Drake"

2.7K 109 20
                                    

 

 

"Substitute muna si Drake"

 

Abala sa pagpupunas ng mga gamit sa simbahan sina Blade at Hunter ng umagang iyon. Katatapos lang ng last mass. Tuwing linggo, bago at pagkatapos ng misa... Naglilinis silang dalawa sa simbahan. Nakatungtong sa railings ng bintana si Blade habang nagpupunas ng mga salamin. Dumulas ang kaliwang paa niya at nahulog siya.

"ANIMAL! Anak na lase! Buwisit! Ang sakit!"

"Iyang bunganga mo nga, Blade!" puna ni Hunter.

"Pasensiya! Nabigla! Nalase met..."

Inis siyang tumayo at inayos ang sarili. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya sa kanyang harapan si Father Piyo. Nakahalukipkip ito at matamang nakatingin sa kanya. Lagot!

"Blade iho, lumapit ka nga sa akin..."

"Father Piyo naman! Slip of the tongue lang iyon!"

"Alam ko. Pero mukhang nakalimutan mo kung saang lugar ka naroon... Kaya Blade, lumapit ka na."

Napasimangot siya at marahang lumapit dito.

"Yumuko ka, matangkad ka kasi..."

"Sorry na... Ipaglalaba ko na lang po kayo mamaya." ngumiti siya dito ng matamis.

"Yumuko ka na."

Hindi umubra ang pambobola niya. Alanganin siyang sumunod dito at noong yumuko na siya... Ayon! Nakatikim na siya ng pingot sa tenga.

"Aray! Ageh! Abuwisit ak pa! Ang sakit naman! Anak na lase naman ay! Animal na 'to!"

 Lalong mas masakit ang ibinigay sa kanya.

"Wow, huling-huli sa akto ah?!"

Napalingon si Hunter sa nagsalita at nahulog siya mula sa upuang kinatutungtungan niya... Mabilis siyang tumayo at agad na lumapit kay Blade...

"Father Piyo! Tama na! Lalo lang akong nadudulas! Animal!"

"Tumahimik ka diyan, Blade! Huwag ka nang magsalita!" tarantang wika ni Hunter.

"Oo na nga! Tatahimik na... Nalase met ay! Bakit ka ba natataranta diyan?!"

Binitiwan na ni Father Piyo ang tenga niya. Minasahe niya iyon para mawala ang sakit. Natigilan siya ng makita niya kung ano ang ikinatataranta ni Hunter... Nagbilang siya. Namutla siya ng todo... Seven... Ibig sabihin, nandito ang Seven Archangels at mukhang narinig ng mga ito ang kabrutalan ng kanyang bunganga. LAGOT!!!...

Cassiel, Uriel, Raphael, Raguel, Camael, Gabriel at si Michael...

"Wow... Mga artista ba kayo, ha?" napangiwing wika ni Blade.

"Pasimple ka pa diyan, Blade ha? Akala mo ba hindi ka namin narinig? Hindi pa ba sapat iyong huling parusa na natanggap mo mula kay Cassiel?" si Raguel ang nagsalita.

"Pambihira ka, Raguel! Pormang Cloud Strife ka ng Final Fantasy ah? Cosplayer ka pala!" sa halip ay wika ni Blade.

Natahimik lang si Hunter dahil alam niyang may mangyayari mamaya.

""Huh, siyempre! Hindi mo naitatanong, ilang porsyento ng kapangyarihan ko ang ginagamit ko para lang magaya ko ang mga character na ikino-cosplay ko..." hinawi ni Raguel ang bangs.

"Hanep ah! Puwede pala iyon. At ikaw, Uriel? Cosplayer ka na rin?"

"Hindi.. K-Pop pa rin 'tong porma ko, p're! Super Junior! Palibhasa, puro ka One Piece eh.."

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon