"PROMISE"
Part II
Matamang nakatingin si Nelson kay Paula habang nagsasalita ito. Nakatitig siya sa bahagi ng mukha nitong nasunog na natatakan ng dalawang holy symbols. Nalukot ang mukha nito.
"Sigurado ka bang nasa canteen lang ang mga bata?" biglang tanong ni Nelson at napangalumbaba.
"Oo, hindi sila mapapasok doon dahil maraming nilagay na holy symbols sa pinto... Nakasara din ang mga bintana at kagaya ng pinto, puno rin ng mga holy symbols..."
"Ako na ang bahala sa mga batang iyon. Eh si Jeremy? Tinapos mo na ba siya?"
Napalunok muna si Paula bago sumagot.
"Oo naman! Sinaksak ko siya ng maraming beses. Sinipa-sipa ko pa ng malakas dahil sa ginawa niya sa mukha ko. Buwisit ang lalaking iyon!" galit na wika ni Paula at napahawak sa kanyang mukha.
"Talaga? Bakit parang hindi ka sigurado sa sagot mo?" nang-uusig na tanong ni Nelson.
"Totoo ang sinasabi ko. Sa dami ng dugong nawala sa kanya, tiyak na hindi na siya mabubuhay."
"Ganoon ba? Siguraduhin mo lang, Paula. Siguraduhin mo lang. Huwag mong kalimutan na isang Archdemon ang kaharap mo. Hindi ako marunong magpatawad sa mga kaaway ko, maging sa mga tauhan ko na pumapalpak. Hindi mo naman siguro nakakalimutan na ang kapalit ng iyong walang-hanggang kabataan at kapangyarihan ay ang iyong kaluluwa na habang-buhay na magsisilbi sa akin bilang tapat kong lingkod. At sa oras na pumalpak ka, kayang-kaya ko iyang bawiin ng sandali lang.." mahabang wika pa ni Nelson.
Napalunok si Paula at napatingin sa iba pang naroon. Sa tatlong lalaki na nasa likuran ni Nelson... Sina Chax, Chemmey at Malukh... Mga demon na nasa anyong tao... Mga alagad ni Nelson na hinugot nito mula sa impiyerno.
Archdemon-an upper demon in the infernal hierarchy. Mga heneral sa impiyerno.
"Matanong ko lang... Ano bang magiging silbi ni Asag? Marami na siyang kaluluwang nakakain. Ano bang balak mo sa matakaw na iyon?" biglang tanong ni Paula.
"Pinapalakas ko si Asag para sa malaking digmaan na maaaring maganap. Kaya nga nagpunta ako sa mundong ito para mangalap ng maraming kaluluwa.. Kaya ipinatayo ko ang Baphomet Academy.. Baphomet-sa unang tingin, parang kakaibang pangalan lang.. Pero ang totoo, ang Baphomet ay isang demon's symbol. Siya nga pala, naiirita na ako diyan sa pangit mong mukha. Lumapit ka dito at aayusin ko."
Mataman namang sumunod ang babae. Pagkalapit ni Paula ay dinakma ni Nelson ang mukha niya at...
"EEeeeeeeeeeehhhhhh!!!!....." malakas na malakas na tili ang nilikha ng babae.
Iyon ay dahil biglang nabalot ng apoy ang buong mukha nito... Tila tuwang-tuwa naman ang mga lalaking nakapaligid dito habang nakikita nila itong nahihirapan.
Samantala, unti-unti nang nawala ang portal sa paligid nila Blade. Pagkatapos noon ay bumungad sa kanila ang isang lugar na hindi pamilyar. Nakita nila ang malaking gate at ang napakalaking eskuwelahan na kastilyo ang desenyo... Isang napakaitim na ulap ang umaaligid sa tuktok noon..
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasiaSi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...