"Laban kay Astaroth...."
"Bilisan mo na diyang maligo!!!!... Animal!!.. Male-late na ako sa school!!..." inis na inis si Blade kay Hunter...
Hindi pa kasi ito lumalabas mula sa banyo..At sa wakas!!! After so many-many years!!! Lumabas na ito mula sa banyo ng naka-bathrobe, tinutuyo nito ang buhok at pagkatapos noon ay bigla itong nagselfie.... 'Anak na lase!'
"Bakit ba aburido kang ma-late, huh? Eh ikaw naman ang teacher..." kunot-noong tanong nito.
"Professional kasi ako eh... Kaya hindi ako puwedeng ma-late!" agad na siyang pumasok sa loob ng banyo...
Naks naman! Kung kailan araw ng Biyernes, saka siya male-late!!! Hindi pupuwede!!!... Magtatalent portion siya nito ng wala sa oras.... Hindi!!!.... Minadali niya ang paliligo, ang pagbibihis... Lahat!
"Sabay na tayong pumasok!" yaya ni Hunter kay Blade...
Kaso, hindi na siya nito pinansin... Nagmamadali itong tumakbo na parang hinahabol ng kung ano.... TAKBO! TAKBO! TAKBO! TAKBO!!!!!...
"Hindi ako puwedeng ma-late! Hindi ako puwedeng ma-late!!!!..." paulit-ulit na wika ni Blade sa kanyang sarili...
Para siya ngayong kasali sa isang marathon... Kailangan niyang magmadali... Hindi siya handang ma-late... At lalong wala siyang inihahandang anumang talent... Kasi ang alam niya, hindi naman mangyayari... Si Hunter kasi.. Ang arte-arte... Ang tagal maligo! Dinaig pa talaga siya... Talagang uunahan na niya itong maligo sa susunod...
Nakita na niya ang gate... Malapit na siya sa finish line... Sa classroom ng class II-A... MWF, ang schedule niya sa mga ito bilang una niyang klase... Nakapasok na siya sa gate at tumatakbo pa rin siya ng pumasok sa building... Nasa ikatlong palapag pa naman ang classroom ng II-A... Pitong palapag mayroon ang BLBNHS... Patakbo siyang umakyat sa mga hagdan... Takbo! Takbo! Takbo!...
Sa wakas.... Nakita na niya ang pintuan ng classroom... Parang slowmo pa noong pumasok siya sa loob ng tumatakbo... 'It's the final countdown!..'
"G-Good M-Morning, class...." hingal na hingal siya ng mga sandaling iyon... Napahawak pa si Blade sa kanyang dibdib...
"GOOD MORNING, SIR BLADE!!!!..." masiglang bati ng lahat...
Napatingin siya sa mga ito... Napalunok siya... Ibang klase kasi kung makangiti ang mga ito... Nakakatakot...
"Bakit niyo ako tinitingnan ng ganyan?"
"Ehem! Ehem! Sir... May nakakalimutan ka yata?" nakangising wika ni Barry...
"Nakakalimutan ang alin?" Dug! Dug! Dug! Dug! Bigla yata siyang kinabahan... 'Anak na lase!'
"SIR, BLADE!!!!.. LATE KA!!!!..."
Nabingi yata siya sa sigaw na iyon ng buong class II-A.. Natakpan niya ang tenga at napapikit..
"H-Hindi kaya!!!... Umabot kaya ako.." alam niyang umabot siya sa oras...
Tumayo si Rane at nangingiting tumingin sa kanya... Napangiwi siya...
"Sir, na-late ka talaga... Tingnan mo 'yung relo." untag nito...
Naninigas ang leeg niya ng lingunin niya ang orasan na nasa itaas ng blackboard... Tuluyan na siyang nanigas... Kulang na lang, himatayin siya... Kaya lang, hindi naman mangyayari iyon... Marahan siyang humarap sa mga ito at nang-uusig ang tingin ng mga bata sa kanya... Dalawang minuto siyang late!!!!.. Napalunok siya at nakabuo ng desisyon... Bahala na!
"Ehem!!! Oo na, late nga ako..." amin niya.
Totoo namang na-late siya... Tapos lalo siyang nanghina... Kung ginamit sana niya ang elevator ng school, malamang... Hindi siya na-late! Bakit ngayon lang niya naalala?!
![](https://img.wattpad.com/cover/12363968-288-k12770.jpg)
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...