"Sports Festival"
Mabilis na tumatakbo si Blade dahil mukhang male-late na naman siya. Kumislap ang mga mata niya ng makita na niya ang bungad ng classroom. Agad siyang pumasok sa loob at agad na tumingin sa relo...
"YES!!! YEESS!!!... Hindi ako na-late! Umabot ako!" tuwang-tuwa niyang wika.
Hinarap na niya ang kanyang mga estudiyante. Nakakaloko ang tingin nila sa kanya. Napatingin ulit siya sa relo na nakasabit sa dingding na nasa taas ng blackboard.
"UY! Hindi ako na-late. Umabot ako sa oras kaya huwag kayong ngumisi sa akin ng ganyan." pakli niya.
"Eh Sir... Alam naman namin na umabot ka sa oras... Natatawa lang naman kami sa'yo eh." nakakalokong wika ni Jecon.
Nakapamaywang na tumunghay si Blade sa mga ito at biglang napakunot-noo.
"At ano namang nakakatawa sa akin? Anak na lase ah! Ang aga-aga, niloloko niyo ako ah! Abuwisit ak pa!"
Tumatawang tumayo si Wilbur.
"Sir Blade, ilang bakla ang nanghabol at gumahasa sa'yo sa daan?" natatawa nitong tanong.
"Animal! Wala ah! Deretsahin niyo na kasi!"
"Sir Blade! Iyang suot mong damit, BALIKTAD!" natatawang sagot ni Wilbur.
Napatingin si Blade sa suot niyang polo na kulay asul. Napangiwi siya dahil baliktad nga ang suot niya.
"Asus! Iyon lang naman pala eh! Di baliktarin! Anak na lase."
Isa-isa niyang tinanggal ang mga butones ng kanyang damit at habang ginagawa niya iyon, tilian ang mga sirena niyang estudiyante. Eksaktong nahubad na niya ang suot niyang polo at babaliktarin ng...
"SUSMARYOSEP ka talaga, Blade! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!!.."
Napatingin siya sa nagsalita, si Mrs. Solano lang pala. Pumasok na ito sa loob ng classroom. At galit na tumingin sa kanya.
"Bakit? Aken?" maang niyang tanong.
"Bakit ka nakahubad diyan?!"
"Eh sa gusto ko eh. Bakit ba?"
"Ikaw talaga! Napakawalang-hiya mo! Iyan ba ang itinuturo mo sa mga estudiyante mo?! Puro kalaswaan?!!.." galit nitong wika.
"Excuse me, Madam! Por que ba nakahubad eh bastos na?! Para sabihin ko sa'yo, Biology ang itinuturo ko. Nasa Muscular System na kami at nagbibigay lang naman ako ng the best example, di ba class?!" nagpose pa siya sa harap ng klase.
"Ang macho mo talaga, Sir Blade! I Love you!" malanding wika ni Van, sabay sipol.
"Tingnan mo na! Nilalandi mo ang mga estudiyante mo! Isuot mo na nga iyang damit mo!"
Pero imbes na sundin ito eh.. Lalo lang itong aasarin ni Blade.
"Ayaw ko ey. Bakit ba ako na naman ang pinag-iinitan mo? Hmm... Sabagay, di kita masisisi.. I'm always hot like coffee.. Pampagising pa.. Nya ha ha ha!"
Nagtawanan din ang mga estudiyante...
"Bastos kang talaga!"
Natatawa lang si Blade dito. Over kasi sa pagka-conservative ang co-teacher niyang ito. Kaya kahit na mabait ito, marami ding mga estudiyante ang naasar dahil nga, madami itong napupuna...
"Huwag mo nga akong pag-initan poke't maganda ang Talent namin ni Mrs. Carbonel sa last day ng Sports Festival. Animal!"
Umpisa na kasi ng Sports Festival ng kanilang School. Tuwing hapon ay wala nang klase, inilalaan na iyon para sa mga sports activity. May Pageant din para sa mga estudiyante, bawat section.. Magkakaroon ng representative. Ang Mr. & Ms. Sports Festival... At ang matindi, magkakaroon ng Talent Portion ang mga Teachers sa last day ng Sports Festival.

BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasiaSi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...