12. "Paghihiganti ni Black Widow"

2.8K 122 15
                                    

    "Paghihiganti ni Black Widow"

"Okay! Magche-check na ako ng attendance! Umayos na kayo dahil mamaya lang, aalis na tayo!" announcement ni Blade.

Nagcheck na siya ng attendance para tingnan kung kumpleto na ang mga estudiyante niya. Dalawang beses niya iyong ginawa at nasiguro niyang kumpleto na ang buong class II-A. Natapos na ang magulo at masaya nilang Field Trip. Bago sila umalis ay kumain muna sila ng hapunan.

"Louie, may extra ka bang ulam? Pahinge nga..." wika ni Blade.

"Heto po, Sir!"

Willing naman itong nagbigay.

"Barry, pahinge ng kaunting kanin."

At kagaya ni Louie, binigyan din siya nito.

"Tumigil ka nga diyan! Para kang pulubi. Heto, may extra akong ulam at kanin." nayamot na wika ni Hunter.

"Salamat talaga, Hunter. Paano na lamang ang sikmura naming lahat kung wala ka."

"Ande lay atet, Blade! Huwag mo na akong bolahin."

Tinawanan lang ni Blade si Hunter. Pagkatapos niyang makahingi rito ng extra rice at ulam ay lumapit naman siya kay Rane.

"Rane, painom." binuksan niya ang bote ng juice at agad na uminom.

Hindi na nakaimik si Rane at napatingin na lang. Nakainom na at lahat na, wala na siyang magagawa. Nang matapos silang kumain ay nagpahinga muna sila sandali. Si Hunter ang naglead the prayer. At iyon na nga, lumarga na sila pauwi.

Medyo na-boring si Blade kaya naman naisipan niyang magkalkal ulit ng cd na puwede nilang panoorin.

"Ano na naman iyang pelikulang napili mo?" curious na tanong ni Hunter.

"Bagay na bagay sa atin!" nakangising wika ni Blade.

"Bagay na bagay... Wrong turn 'yan ano?"

"Hindi."

Isinalang na ni Blade ang cd at halos lahat ay nagreact ng makita sa screen ng t.v. ang pamagat ng pelikula. Jeeper's Creepers

"Oh di ba? Ang ganda!" natatawang palatak ni Blade.

"Ang lakas mong mang ano eh. Sutil ka, sutil." wika ni Hunter.

Samantalang si Rane, napailing na lang. Binuksan niya ang kanyang tablet at manonood na lang siya ng pelikulang Frozen. Bahala ang mga itong manood ng horror. Basta siya, magso-solo flight siya.

 Samantala.. Tumayo na si Blade para magronda. Hindi siya ngayon manghihingi dahil may hawak siyang malaking piatos. Wala lang, trip lang niya.

"Oh, may ganito kayo? Ang laki ng nabili kong piatos! Oh, hindi ako ngayon manghihingi! Ako pa ang magbibigay." wika niya habang naglalakad.

Ipinagyayabang niya sa lahat ang hawak niyang tsitsirya.

"Sir, paano kaya kung ma-Jeeper's Creepers tayo?" biglang tanong ni Barry.

"Huwag ka ngang ganyan! Tinatakot mo naman kami eh!" react ni Van na katabi ni Barry.

"Eh parang nagtatanong lang!"

Gabi na at puro mais ang nakatanim sa magkabilang kalsada. Wala ring mga bahay. Nasa eksena na sila kung saan na-flatan ang bus.

"Huwag nga kayong OA diyan! Nalase naman! Parang pelikula lang 'yan, ginagawa niyong true to life. Alewa met!" pakli ni Blade. (Alewa met-mali naman)

Bumuwelo si Blade upang buksan ang tsitsiryang hawak niya. Pinunit niya ang supot ng bigla silang makarinig ng pagputok ng kung ano at biglang napahinto ang sinasakyan nilang bus sa gilid ng kalsada. Biglaan iyon kaya naman sumemplang siya at kumalat ang laman ng hawak niyang tsitsirya.

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon