15. "Memories and Tears"

2.3K 113 11
                                    

 "Memories and Tears"

 

'Hwag nyo na aqng sunduin.' sinend na ni Marimar ang text niya. Pero ilang sandali lang, may natanggap agad siyang message.

'papunta na kami'.

Napailing na lang siya sa reply ng bestfriend niyang si Vanessa. May lakad silang magkakaibigan ngayong araw. Hinintay niya ang mga ito. Nagulat siya ng makarinig sila ng malakas na ingay sa labas. Mukhang may naaksidente. Along the highway kasi ang bahay nila.

"Hala, baka iyong kaklase mo!" palatak ng kanyang kuya Julius...

"Hindi naman siguro! Huwag ka nga!" kinakabahan niyang wika.

"Tingnan natin!"

Pumunta na nga sila sa labas para tingnan kung ano ang nangyari. May naaksidente nga... Nanlamig ang pakiramdam ni Marimar ng mga sandaling iyon at natulala siya.. Ang mga kaibigan nga niya ang naaksidente... Nabangga ang motor na sinasakyan ng mga ito ng kotse... Galos lang ang tinamo ng driver ng motor... Pero hindi maganda ang lagay ng bestfriend niya. Kitang-kita niya ng buhatin ang bestfriend niyang si Vanessa na duguan ang mukha... Agad itong dinala sa ospital. Tumakbo siya papasok sa kanilang bahay at umiyak. Gusto niyang sumunod papunta sa ospital pero natatakot siya...

Kasalukuyang nagbabanlaw si Blade ng kanyang mga labada ng biglang magring ang cellphone niya. Sino kaya ang tumatawag? Ang dami pa naman nilang labada ngayon.

"Hunter, sagutin mo nga itong tawag ko. Basa ang mga kamay ko, nagbabanlaw ako." wika niya.

Itinigil nito ang pagsasampay at lumapit sa kanya. Dinukot nito sa bulsa ng short niya ang kanyang cellphone.

"Uy, dahan-dahan! Baka kung ano ang madukot mo diyan!"

"Pakialam ko!"

Nakuha nito ang cellphone niya at sinagot na nito ang tawag.

"Hello?"

"Sino 'yan?!" tanong niya.

"Huwag kang maingay!" saway nito.

Napasimangot siya dito. Tawag kaya niya iyan?! Mag-iingay sana siya kaya lang, nakita niya ang pagseryoso ng mukha nito. Tumahimik na rin siya at hinintay ang anumang sasabihin ni Hunter. Mukha kasing mahalaga ang sinasabi ng nasa kabilang linya.

"Naiintindihan ko, pupunta kami agad."

"Ano ba iyon?" tanong niya.

Seryoso ang mukha nitong napatingin sa kanya.

"Si Mrs. Molina iyong tumawag. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon. Isang fourth year student ng BLBNHS ang naaksidente."

Biglang napatayo si Blade.

"Anak na lase! Sino?" nag-aalala niyang tanong.

"Vanessa ang pangalan niya. Kung natatandaan mo, siya iyong estudiyanteng palangiti."

"Oo, alam ko... Palagi niya akong binabati kapag nakakasalubong ko siya."

"Tara na! Iwanan na natin ito."

"Oo."

Agad silang nagbihis at pumunta sa ospital. Nadatnan nila doon sa ospital ang dalawa sa mga co-teachers niya. Sina Mrs. Carbonel at Mrs. Molina. Parating na rin daw ang iba. Nasa hallway sila ng ospital.

"Kamusta ang lagay ng bata?" tanong ni Hunter.

"She's in coma. Fifty percent ang chance na magigising siya at fifty percent ang chance na..." hindi na nito naituloy ang sasabihin.

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon