"Tulong, para kay Francis"
Kasama ni Blade ang mga co-teachers niya ngayon. Nasa ospital sila at dinadalaw nila si Francis. Nakasandal siya sa may pinto at nakamasid lang siya sa mga kasama.. Naka-cast ang kaliwang kamay ni Francis at may bandage din ang ulo nito.
"Mabuti naman iho at ayos ka lang..." naiiyak na wika ni Mrs. Solano...
Sunud-sunod na ang mga iba pang guro sa pagkamusta sa bata. Napakadrama ng tagpong iyon. Drama talaga.
"Mga Ma'm, mga Sir... Marami pong salamat sa pagdalaw. Natutuwa po ako, pero sana po... Sana po, huwag naman po kayong mag-iyakan kasi buhay pa naman po ako. Hindi po maganda ang dating sa akin eh..." napangiwing wika ni Francis..
Tinakpan ni Blade ang bibig at pinigil ang tawa. Lumabas muna siya at nakita niyang papalapit si Rane. Mag-isa lang ito at hindi kasama si Conrad. May dala-dala itong fruitsbasket para kay Francis.
"Dadalawin mo si Francis?"
"Opo." nakangiting sagot ni Rane.
"Hindi mo yata kasama si Conrad?"
Napangiti si Rane. Hindi talaga sasama iyon dahil takot iyon sa doktor. Pinilit pa nga niya na samahan siya para makita nito si Blade, pero ngumawa ng iyak ang magaling niyang kapatid. Ayon, hindi na nga niya isinama. Inagahan na niya ang pagdalaw dahil mamaya, marami na sa mga kaklase niya ang darating...
"Hindi talaga siya sasama kasi takot siya sa doktor."
"Ganoon ba? Mamaya ka na pumasok sa loob. Nandoon pa iyong mga co-teachers ko at nagdadramahan sila ay."
"Sige..."
Napatingin si Rane kay Blade. Tahimik yata ito? At mukhang aburido na ewan. Hawak nito ang tiyan at hindi mapakali ang kanang paa nito. Aha!
"Sir, may problema ba? Malapit lang ang CR dito kung sakali... Ibibili ko kayo ng lomotel kung gusto niyo o kaya diatabs. May tissue din ako dito sa bag ko."
"Nalase ka met! Wrong-mistake 'yang iniisip mo! Hindi ako natatae! Loko ka."
"Eh ano? Mukha po kasi kayong mag-e-LBM eh.."
Natawa si Rane. Eh kahit na sino namang makakita dito sa ganoong ayos eh iyon ang iisipin.
Napabuntung-hininga ito ng malalim.
"Alam mo kasi, nakausap ko iyong mga magulang ni Francis kanina. Malaki na ang nagagastos nila sa mga gamot pa lang na kailangan ni Francis. Baon na sila sa utang at hindi pa nila alam kung saan kukuha ng pera para makalabas si Francis dito sa ospital. Simpleng magsasaka lang ang tatay niya at maglalako ng kakanin naman ang nanay niya. Walo pa silang magkakapatid."
Nalungkot din si Rane sa narinig...
"Kailangan pala talaga ni Francis ng tulong.." malungkot niyang saad.
"Buwisit kasi ang animal na nakadisgrasya sa kanya! Naku! Mabuti na lang at hindi ko naabutan ang animal na iyon! Kapag nagkataon! Anak na lase! Mata lang niya ang walang latay!!... Animal talaga!!.."
"Ehem! Sir, Blade... Relax... Pinagtitinginan ka na ng mga tao dito."
Samantala, sa lugar nina Vaulant...
"Nakeret si Astaroth! Mayabang kasi ang animal!" wika ni Vaulant.
"Ibang klase talaga ang resbak ng Blade na iyon! Babalikan ko ang bampirang iyon!!... Lang'ya! Gaganti talaga ako!" galit na wika ni Brach.
Naikuwento na niya sa mga kasamahan ang nangyari at ang tungkol kina Hunter at sa bampirang kasama ni Blade... Hindi siya makapaniwala. Si Blade... May kasamang bampira!
![](https://img.wattpad.com/cover/12363968-288-k12770.jpg)
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasíaSi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...