34. "SHARE THE WORLD..."

2.1K 99 2
                                    

   

 

     "SHARE THE WORLD..."

 

 

 

Ilang beses nang napapabuntung-hininga si Rane habang nakaupo sa bench ng school... Kanina pa kasi siya kinukulit ni Blade na sasamahan siya nito na dalawin si Zech... Hindi lang ito nag-iisa, kasama din nito sina Drake at Hunter.

"Sige na, pumayag ka nang samahan namin na dalawin si Archer.." kulit ni Blade.

Yamot na tumingin si Rane sa mukha ng mga ito.

"Baka manggulo lang kayo doon eh.. Nakakahiya, nagpapagaling pa naman iyong tao eh..." yamot niyang wika.

"Sila lang ang magulo, hindi ako... Balak ko pa nga siyang ipagluto ng masustansiyang pagkain... Para naman maka-recover agad siya.." nakangiting wika ni Hunter.

Medyo sumusuko na si Rane... Kinakabahan na rin siya ng todo sa mangyayari kapag nag-krus ang landas ng mga ito... Paano na..? Kung anu-ano nang nakakatakot na eksena ang naiisip niya... Tumayo na siya.

"Huwag kayong sumunod, tatawagan ko siya. Nakakahiya naman kung pumunta ako doon na may mga kasama ako na hindi naman inaasahan..."

"Okay-okay! Basta huwag mong kalimutan na ihabilin na maghanda siya dahil ire-raid namin ang laman ng kusina niya ah?" excited na wika ni Blade.

Napaismid tuloy siya sa tinuran nito... Lumayo na siya sa mga ito.. Tinawagan na niya si Zech... Ilang sandali lang ay sinagot na nito ang tawag niya..

"Ahm..." hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang nangyayari ngayon.

"May problema ba?" malumanay nitong wika.

Malalim siyang napabuntung-hininga bago nagsalita..

"D-Di ba sinabi ko sa'yo kahapon na dadalawin kita ngayon...?" umpisa niya.

"Uhum... At sinabi ko naman sa'yo na hindi ka makakaabala sa akin... Masaya ako na kasama ka..."

"K-Kaya lang kasi, may problema..."

"Hindi ka matutuloy?" nadismayang wika ni Zech.

"Mali... May mga gustung makisabit..."

"Okay lang.."

"Hindi okay... Sina Blade ang gustung sumama sa akin sa pagpunta diyan.." nag-aalala niyang wika.

Nasapo ni Zech ang noo at matagal na hindi sumagot. Napahawak din siya sa kanyang baba at nag-isip.

"Medyo nauubusan na kasi ako ng dahilan sa kanila... Hindi ko na alam ang sasabihin ko at.."

"Ayos lang... Pumunta lang kayo dito."

"H-Ha?! Sigurado ka?"

"Oo... Huwag kang mag-alala, may naisip na akong paraan para hindi nila ako makilala. Huwag mo na akong problemahin. S-Sorry kung nalalagay ka sa sitwasyong alanganin dahil sa pagprotekta mo sa akin..."

"Huwag kang mag-sorry.. Mabuti kang kaibigan.."

"Salamat.."

Ini-end na niya ang tawag. Muli siyang humarap sa tatlong-lalaki na mukhang naiinip nang naghihintay.

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon