"Substitute muna si Blade"
Nasa labas ngayon si Rane at abala sa pag-i-spray ng insecticide sa kanyang mga halaman ng biglang dumating si Drake. Humihingal ito at mukhang may hinahabol, galit na galit ang mukha.
"Huh... Huh... Rane my love.. Hindi mo ba nakita ang magaling na si Blade, ha?!" gigil nitong wika.
"Hindi. Wala naman siya dito. Bakit?"
"Basta!... Humanda talaga siya sa akin kapag nahuli ko siya! Lagot siya!!.."
"Teka, hapon pa lang ngayon ah? Sanay ka na bang gising sa araw?" curious niyang tanong.
Iyong galit na mukha nito, biglang gumaan. Ngumiti na ito ng matamis, iyong may halong kayabangan.
"Alam mo kasi, gawa iyan ng mga pagsasanay ko. Unti-unti ko nang nakokontrol ang demon form ko. At kapag tuluyan ko na iyong napagtagumpayan... Kahit hindi ko na suot ang kuwintas na ito.. Makakalakad na ako ng normal sa araw. Yeah! Kegtot my heart!..."
"Okay... Pero ano na naman ang ginawa ni Blade at mukhang highblood na highblood ka sa kanya?"
Natigilan ito at namula ang mukha na napatingin sa kanya. Bigla itong pinagpawisan ng malapot.
"B-Basta... Parang hindi mo naman siya kilala. Sige, hahanapin ko pa ang magaling na iyon!!!.."
Agad na itong umalis at mabilis na nawala sa kanyang paningin. Napailing na lang siya. Iyong dalawang iyon, ang hilig mag-riot. Ipinagpatuloy na niya ang kanyang ginagawa. Noong matapos siya ay agad na siyang pumasok sa bahay at inayos ang mga gamit. Tumuloy na siya sa kanyang silid at dumiretso sa banyo para maghugas ng kanyang mga kamay. Pagkalabas niya sa banyo ay nagulat siya ng bigla na lang may humila sa mga paa niya....
"EEeeehhh!!!...."
Dumausdos siya pailalim sa silong ng kanyang kama. Tinakpan ng kung sino ang bibig niya.
"Huwag kang matakot... Ako lang 'to..."
Napakunot-noo si Rane at napatingin sa nagsalita. Si Blade lang pala. Inalis na nito ang kamay na nakatakip sa bibig niya...
"Anong ginagawa mo dito? Hinahanap ka ni Drake sa akin kanina... Galit na galit. Ano na naman ba ang ginawa mo sa kanya?" curious niyang tanong.
"Wala..." nakasimangot nitong wika.
"Iyong totoo?"
"Wala na ba si Drake?" sa halip ay tanong nito.
"Wala na, kanina pa umalis."
"Whew! Salamat naman."
"Bakit nga wanted ka na naman kay Drake?!"
"Bago ang lahat, tulungan mo muna akong makalabas dito sa silong ng kama mo..."
"Parang gagapang lang palabas, magpapatulong ka pa?" sarkastika niyang wika.
"Pinulikat na ang mga binti ko eh. Halos buong-araw na kasi kaming naghahabulan. Sige na... Mabubulok ako dito sa silong ng kama mo. Gusto mo ba iyon?"
"Oo na hindi. Oo, kung puwede ka lang sanang mabulok... Kaso hindi eh, sa kapal mo ba naman. At kung mabubulok ka man, huwag sa silong ng kama ko... Please..."
"Bakit parang ang bigat yata ng dugo mo sa akin? May ginawa ba ako sa'yo?!" bigla nitong tanong.
Natigilan si Rane at napatingin sa mukha ni Blade. Mukhang ito ang napagbabalingan niya ng inis sa complicated niyang love life...
"W-Wala... Hindi ako galit. Medyo asar lang kasi nagriot na naman kayo ni Drake.."
Gumapang na siya palabas at pagkatapos ay tinulungan na nga niya itong makalabas sa silong ng kama niya. Iniunat ni Blade ang mga paa at sumandal sa gilid ng kama ni Rane.
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...