23. "Naiibang Parusa kay Blade"

2.6K 105 20
                                    

     "Naiibang Parusa kay Blade"


Napabuntung-hininga si Rane habang nakatitig sa labas. Wala pa rin siyang balita kung ano na ang nangyari kina Blade... Hindi siya nakapasok ngayon sa school dahil nagkasakit siya. Bumangon siya sa kanyang kama at naupo. Hindi niya maiwasang malungkot kapag naaalala niya ang rason kung bakit siya nagkasakit..

"Hay... Ang hirap talagang magkasakit... Buong-araw na akong nakakulong dito.." maktol niya.

Bumukas bigla ang pinto ng kanyang terrace. Napatingin siya doon at bumungad sa kanya si...

"Yoh! Sinabi sa akin nina Conrad at Karen na may sakit ka daw kaya hindi ka nakapasok!" nakangiting wika ni Blade.

May dala itong fruitbasket. Napatingin siya sa mukha nitong may tapal ng bandaid at sa kanang-kamay nito na nababalutan ng gasa...

"Napano 'yan?" sa halip ay tanong niya.

"Wala lang 'yan! Huwag kang mag-alala."

"Korek! Ang mabuti pa, magpagaling ka agad."

Mula sa likuran ni Blade ay lumabas naman si Hunter. May tapal din ng bandaid ang mukha nito.

"Si Drake?" tanong niya sa dalawa.

Biglang may tumulak sa dalawa, napasubsub ang mga ito sa sahig agad naman silang tumayo. Hindi sila nagsalita pero nakamamatay ang tingin nila kay Drake.

"Oh aking Rane my love! Tinawag mo ba ang aking magandang pangalan? Nandito lang ako... At your service..."

Ma-feeling na wika ni Drake. Yumuko pa ito na parang isang prinsipe.. Masiglang tumayo si Rane mula sa kama at agad na lumapit kay Drake. Pasimple niya itong niyakap.

"Mabuti naman at nagbalik ka na sa dati... Nag-alala ako sa'yo ng husto, alam mo ba iyon?" masayang wika ni Rane.

Natigilan si Drake at napatingin sa mukha ni Rane. Bahagya siyang lumayo, sinapo ang dibdib. At para itong bulate na inasinan.. Napaluhod pa ito sa sahig at hinampas-hampas iyon. Nawiwindang ang tatlo na nakatingin dito.

"YES! YEEES!!!..."

"Anong nangyayari diyan?" napataas na kilay na tanong ni Hunter.

"Ano pa nga ba? Eh di man-atugerger ang animal!" wika ni Blade.

( Man-atugerger-ngisay sa kilig )

Biglang tumayo si Drake, lumapit kay Rane. Tumitig sa mukha nito at hinawakan ang mga kamay. Nawiwindang naman si Rane na napatingin dito. Hindi niya kasi masabi kung nagbalik na nga ba talaga sa normal si Drake?

"Talaga bang nag-alala ka sa akin?" tanong pa ni Drake kay Rane.

"Siyempre naman..." napangiwing sagot ni Rane.

"A-KEGTOT MY HEART!!!"

Teary-eyed pa na wika ni Drake. Pasimple namang siniko ni Hunter si Blade.

"Bakit?"

"Sigurado ka ba Blade na bumalik na nga sa normal ang isang 'yan?"

"Oo naman. Iyan na nga ang pinaka-normal niya eh." balewalang sagot ni Blade.

Napatingin lang silang dalawa kay Drake.

"Puwede ko bang malaman kung bakit nag-alala ka sa akin?" kulit pa ni Drake kay Rane.

"Kasi kaibigan kita..."

Biglang napangiwi si Drake at nanigas. Umiling-iling siya, pagkatapos ay tumingin ulit sa mukha ni Rane.

"K-Kaibigan? W-Wala na bang level-up diyan, Rane?" napalunok na tanong nito.

"Hmm... Hindi lang kita malapit na kaibigan. Para na rin kitang Kuya.. Kagaya ni Kuya Hunter."

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon