"DRAKE VS BLADE"
Tumayo si Drake at matalim na tumingin sa apat na lalaki.
"GRRR.... U-Umalis na lang kayo habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko..." wika ni Drake.
Halata sa boses nito ang matinding pagtitimpi. Ngunit lalong humakbang palapit si Hydrian.
"Hindi mo kailangang magpigil dahil nandito ang tatlong ito para labanan ka.."
Tumingin si Drake sa tatlong lalaki na kasama nito... Pagkatapos noon ay tumalikod siya at naglakad palayo... Ngunit biglang sumugod ang isa sa miyembro ng Knights of Constellation na si Josh. Tumalon ito sa ere at gumamit ng mahika...
"HELL'S BURST!!...."
Tinamaan nito si Drake... Ngunit matapos noon ay biglang may dumaklot sa kanyang mukha. Mahigpit ang hawak noon. Bigla na lang itong ibinalibag ni Drake sa sahig una ang mukha. Nawarak ang sahig at umagos sa paligid nito ang dugo. Yumugyog ng mahina ang mga balikat ni Drake at tumingin sa mga kasama ng lalaki. Ngumisi ito at inapakan pa ang ulo ng kasama ng mga ito... Galit na galit na tumingin sina Rick at Devon kay Drake... Pero si Hydrian, natutuwa sa nangyayari.
Magkasabay na sumugod sina Devon at Rick kay Drake. Binunot nila ang kanilang mga espada, sabay nila itong inatake. Ngunit ginagawa namang panangga ni Drake ang kanyang mga matatalim na kuko sa kanyang magkabilang mga kamay. Balewala ang mga espada nila...
"IRON FIST WAVE!!!..."
Magkabilang-kamay ang ginamit ni Drake sa atakeng iyon. Sabay na tumilapon ang dalawa pero mabilis na tumayo at sabay pang napatingin kay Drake. Lihim na napangiti ang mga ito dahil nasa likuran ni Drake si Josh.. Nakabangon na ito at nakaumang ang espada. Mukhang walang kaalam-alam si Drake. Kahit na duguan ang pagmumukha ni Josh ay mababakas pa rin dito ang tuwa. Nakangisi ito.
Sumugod ito para saksakin sa likuran si Drake pero umikot ang huli, inagaw ang espada at iyon ang isinaksak kay Josh. Sabay gamit pa ng...
"BLAZING INFERNO..."
"AAAAaaaahhhhh!!!!...."
Matindi ang sigaw ni Josh dahil unti-unti ang ginagawang pagsunog dito ni Drake. Habang nakikita ni Drake na nahihirapan ang kanyang kalaban ay mababakas sa mga mata nito ang labis na kasiyahan.
"N-Napakalupit niya..." bulalas ni Devon.
Samantala, inalis na ni Rane ang makapal na tuwalya na nakabalot sa kanya.
"Inaasahan ko ang sinabi mo Zech, na tutulungan mo ang kaibigan kong si Drake.." wika ni Rane habang iniaabot ang tuwalya kay Zech.
Hindi iyon kinuha ni Zech, tiningnan lang niya ang tuwalya.
"Gamitin mo 'yan. Lalamigin ka.."
Mapait na ngumiti si Rane at marahang umiling.
"Hindi na kailangan. Uuwi naman na ako."
"Rane, baka magkasakit ka. Medyo umaambon pa sa labas."
"Salamat sa pag-aalala pero ayaw ko nang magkaroon pa ng dahilan para puntahan ka. Marunong akong tumupad sa pangako. Sana, ikaw din at inaasahan ko iyon." malungkot na wika ni Rane.
Binitiwan na niya ang hawak na tuwalya at muntik pa iyong mahulog ni Zech sa sahig. Pinilit ni Rane na huwag lumingon hanggang sa makalabas siya ng bahay. Noong makarating na siya sa labas ng gate ay tuluyan na siyang tumakbo pauwi.
Matagal nang wala si Rane pero nakatitig pa rin si Zech sa hawak niyang tuwalya. Mahigpit niya iyong hinawakan at inilapit sa kanyang mukha. He could still smell her smooth innocent scent... Inamoy niya ang tuwalya at mariing napapikit...
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...