6. "Ang bagong Chef sa Canteen"

3.4K 115 4
                                    

                                            "Ang bagong Chef sa Canteen"

Nanghihina si Blade habang naglalakad sa bayan... Paano ba naman, gutom na gutom siya... Hindi pa siya nag-aalmusal... Sumuweldo na siya kaya lang, hindi siya nakapaggrocery kahapon. Ang dahilan... Nagmarathon sila ni Drake ng mga latest episode ng anime na One Piece... 

Hindi siya makakatanggi kasi iyon ang pinakapaborito niyang anime... Idol na idol niya si Luffy... Malamang, kung sugurin siya ngayon ng mga kalaban, keret na keret siya...

Napatingin siya sa Pergula-arena... Lalo siyang nakaramdam ng gutom.... Hugis patopat kasi iyon, ito ang landmark ng bayan... Patopat-isa iyong native na kakanin sa Pozorrubio City. Malagkit na bigas na binalot sa dahon ng niyog at niluto sa kumukulong arnibal, iyong katas ng tubo... Sa kakaning iyon kilala ang Pozorrubio City... 

Tumutulo na yata ang laway niya... Napunasan tuloy niya ang bibig ng wala sa oras... Kung totoo lang sigurong patopat ang arena na iyon.... Kanina pa niya kinagat. Wala na siyang pakialam kung ito pa ang landmark ng lugar... Sa pergula ginaganap ang mga event sa bayan...

Dumiretso na siya sa palengke... Siyempre, mas inuna na niya ang pagbili ng pagkain... Bibili na lang muna siya ng burger... Mamaya, babawi siya sa pagluluto... Magluluto siya ng sinigang... Lalo yata siyang ginutom!... Narinig pa niya ang reklamo ng kanyang mga bituka...

Nakasuot siya ng Sando at puruntong... Ni hindi pa siya nakakapagsuklay ng umagang iyon... Kinailangan na kasi niyang mamalengke kasi wala nang laman ang kusina nila... Kaya nagmadali siya at hindi na inintindi ang itsura niya... Anyway, wala naman siyang pakialam...

"Hello, Sir Blade!" nakangiting bungad sa kanya ni Leah... Si bading na Leah na tagabitbit ng mga gamit niya...

"Anong ginagawa mo dito?"

"Umi-ekstra ako sa palengke kapag walang pasok. Ang guwapo mo ngayon, Sir ah?"

"Ande lay atet! Magpapalibre ka ano?"

"Sir... Isang burger lang." Aba't-! Tama nga ang hula niya...

Tumingin-tingin si Blade sa paligid... Mahirap na, paano kung hindi lang ito ang estudiyante niya na naroon? Mahirap na....

"May mga kasama ka ba?"

"Wala! Gusto niyo mag-GM ako na manlilibre kayo?"

"Anak na lase! Ande... Ande!" (Ande-Hindi)

"Sige na Sir... Isang burger lang..."

"Sige, pero ikaw lang ang nakakaalam nito ah? At hindi na ito mauulit!"

"Sige, sige!" excited nitong wika...

Wow... Ang aga niyang naholdap!!... Tapos, naalala niya si Rane... Oo nga pala... Nangako siya dito na babawi siya dito kapag may sahod na siya.... Dapat lang na tuparin niya ang pangako niya... Luto na ang mga order niyang burger at magkatabi silang kumain ni Leah...

"Sir, para mo na rin akong ka-date nito!" kilig na kilig nitong wika.

Nabulunan si Blade ng mga sandaling iyon.... Hinagod niya ang batok at likod hanggang sa makahinga siya ng maluwag.

"Uy! Tigilan mo nga ako! Date ka diyan!.."

"Sir... Alam mo naman na crush na crush ka namin eh... Ang guwapo mo kasi. Kaya nga ako, inspirado na akong pumasok araw-araw.. Para kasi akong nakatingin sa mukha ng anghel kapag nakikita ko 'yang mukha mo, Sir Blade!" kinikilig talaga ito..

Kung alam mo lang Leah, anghel naman talaga si Blade... Agad na inubos ni Blade ang pagkain...

"Aalis na ako, kailangan ko nang mamalengke. Huwag mong ipagkakalat na nilibre kita ah?! Lagot ka talaga sa akin!"

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon