"Ang bestfriend ni Blade, si Drake."
Agad na pinuntahan ni Blade sina Karen at Conrad, matapos siyang tawagan ng mga ito.
"Anong itsura ng aswang, Karen?" halata sa boses ni Blade ang pag-aalala.
"Hmmm.... Matangkad, lalaki, medyo cute... Pero hindi ko masyadong nakita ang mukha niya. Nakajacket ng blue."
"S-Si Bangkay iyon!" nanggigil na wika ni Blade sa kanyang isipan.
"Saang direksyon sila nagtungo?" tanong pa niya kay Karen.
"Doon sa Maulo."
Maulo-bundok iyon na matatagpuan sa barangay ng Don Benito. Puwede iyong pasyalan dahil may mga bahay na doon at may daanan papunta sa tuktok. Sa tuktok makikita ang isang kubo sa gitna ng dalawang puno ng mangga. Sinadya iyon para sa mga gustong magpunta doon. Ngunit ang kalahating parte ng bundok na iyon ay malawak na gubat na hindi pinupuntahan ng mga tao. Lubha kasing mapanganib ang gubat na iyon dahil sa mga makamandag na ahas na nagkalat sa lugar.
"Sir, iuwi mo dito si Rane." pakiusap ni Karen.
Tumango lang siya at agad na umalis papunta sa bundok.
"Kailangan kong bilisan! Baka kung ano ang gawin ni Bangkay!" nagmamadali talaga si Blade.
Samantala... Nagising na si Rane, marahan siyang bumangon. Nasa isang maliit na kubo siya, sa gilid ng isang maliit na talon. Maraming wild na orchids ang paligid at ng iba pang ligaw na bulaklak. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid. Mukhang nasa loob siya ng isang gubat.
"H-Hala! Nasaan na ako?!" natatakot niyang wika. Hanggang sa mapansin niyang....
"AAAAAHHHH!!!!..."
"Huwag kang matakot, hindi kita sasaktan." wika ng malamig na himig. Iyong tipong kikilabutan ka talaga.
"S-Sino ka? Bakit mo ako dinala dito?"
Sala-salabit sa mukha nito ang bangs, maputla ang kulay ng balat nito na parang walang dugo... Matangkad, at namumula ang mga labi na parang pinahiran ng dugo.
"Ako ang handsome bampira sa world! Si Drake at your service..." yumukod pa ito.
At pagkatapos noon ay marahan itong lumapit sa kanya. Napatayo siya at napaatras.
"Dinala kita dito kasi.... Kasi.... Binuhay mo ako. You KEGTOT my heart!"
"Ah?!"
Bigla nitong sinapo ang noo at todo-tdong nag-emote... Hinawi nito ang bangs na nakatakip sa mga mata nito. Bluish-gray ang kulay ng mga mata nito.
"Ang bastos ko... Hindi ko man lang tinanong ang pangalan mo. Puwede ko bang malaman ang iyong pangalan?"
"Ahm... Ako si Rane.." alanganing wika ng dalagita.
Lumapit lalo si Drake kay Rane...
"Wow, magandang pangalan. Rane, maaari ba akong manligaw sa'yo?"
Nanlaki ang mga mata ni Rane sa pagkabigla.
"Hindi. Bata pa ako."
"Age doesn't matter sa love.... Kaya kitang ligawan ng hanggang one-hundred years... Please... Pagbigyan mo na ako... Ikamamatay ko ang iyong pagtanggi... Ay! Namatay na pala ako dati..." bigla nitong hinawakan ang kanyang mga kamay at tumitig sa kanyang mga mata.
Malamig ang mga kamay nito, mayroon itong mga pangil... Hindi nga siya nananaginip. Kaharap niya ang isang totoong bampira.. Sa pelikula lang niya napapanood ang mga tulad nito.. Kagaya ng sikat na TWILIGHT na nagkaroon pa ng sequel..
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...