"School Festival"
"Problema niyo? Bakit ganyan ang mga pagmumukha niyo?" tanong ni Blade sa class II-A ng hapong iyon.
"Eh paano naman Sir! Nasabon na naman kami ni Mrs. Talea kanina." sagot ni Jaypee.
"Sus! Parang hindi na kayo nasanay doon! Hayaan niyo na, palibhasa kasi may edad na. Kumbaga sa prutas, para siyang ubas. Tuyot na nga, gayot pa kaya nangangasim!" natatawa niyang wika.
Napabungingis din ang mga ito.
"Sir, baka marinig ka noon!"
"And so, para namang natatakot ako ay! Kapag tinatalakan niya kayo, kantahan niyo kasi siya. Para matigil na ang pagtataray niya."
"At ano naman ang puwede naming kantahin sa kanya, aber?" nakapangalumbabang tanong ni Rane.
Ngumiti muna siya sa lahat at napa-ehem, ehem!
"Palakpakan muna!"
Binigyan nga siya ng masigabong palakpakan. Matapos iyon ay sinimulan na niya ang pagkanta.
"Binibining sexy! Matabang-matabang, mataba! Binibining sexy! Matabang-matabang, mataba! Binibi-"
"Sinong mataba?!" napalingon si Blade.
"Huh! Mataba!"
Nasapo niya ang bibig at napaatras. Si Mrs. Talea.
"Sinong mataba?!"
"Ikaw! Ay! Ang ibig kong sabihin... Wala, kumakanta lang ako ah!" palusot niya.
Tumitig ito ng masama sa kanya.
"Bakit ka pala nandito?" tanong niya.
"Nagpapatawag ng meeting si Madam Principal." sagot lang nito.
Lumabas na ito at mataman siyang sumunod. Kaya pala nagpatawag ng meeting ang principal dahil School Festival na sa susunod na Linggo. Tatlong araw na bubuksan ang school in public at ang kikitain nila sa School Festival ay gagamitin naman sa Sports Festival.Excited siyang pumunta sa classroom matapos ng meeting.
"Okay class! May announcement ako!" nakangiti niyang turan.
"Ano iyon, Sir?" tanong ni Barry.
"Next week na ang school Festival! Iyon ang dahilan ng meeting namin kanina!" masigla niyang announcement.
"YEHEEEEY!!!!...." excited na sigaw ng lahat.
"Humanda na kayo dahil ang booth na gagawin natin ay Horror Booth! Mananakot tayo at manghahabol. May naisip na akong theme at ang kailangan niyo lang, magdala ng ilang props para sa pananakot." wika niya.
"Sir, wala nang problema! Marami na tayong mga powder girls dito ay! Marami ngang matatakot!" tumatawang wika ni Wilbur.
May bumato dito ng face powder.
"Aray!"
Natawa lang si Blade sa nakita niyang eksena.
"May isa pa pala.. Ehem! Ako ang nagsuggest nito kaya dapat magpasalamat kayo sa akin!"
"Ano iyon, Sir Blade?!" excited na tanong ni Louie.
"Sa last day ng School Festival, magkakaroon ng costume party! Kaya, mag-isip na kayo ng magiging costume niyo! Excited na ako! Mayroon na akong naisip!"
"SI MONKEY D. LUFFY NG ONE PIECE!!!.." sigaw ng lahat.
"T-Teka! Paano niyo nahulaan?!" windang niyang tanong.
"Hay naku Sir Blade! Para namang hindi namin alam na adik na adik ka sa One Piece.. Di ba, bago ka pa nagpapadismiss eh nakikipagkuwentuhan ka pa tungkol sa mga latest na episode?" comment ni Rane.
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...