33. "A SECRET..."

2.3K 96 8
                                    

        

 

          "A SECRET..."


Napahinto sa paglalakad si Zech ng bumungad sa harap niya ang isang magandang babae.... Ngumiti ito ng matamis.

"Kamusta ka...?" malambing nitong tanong.

Nagdududa siyang tumingin sa mukha nito. Lumayo siya at inihanda ang sarili...

"Sino ka...? Ano ang kailangan mo sa akin?"

Matagal na tumitig ang babae sa kanya, mahaba ang kulay-asul nitong buhok... Matangkad at may magandang katawan. Pasimple itong lumapit sa kanya at hinawakan ang punong-baba niya...

"May nagsabi sa akin na ikaw ang magbibigay sa akin ng kaligayahan..." malandi nitong wika.

Tinangka siya nitong halikan pero tinabig niya ang kamay nito at mabilis siyang lumayo...

"Awww... Hindi ka gentleman!!..." reklamo nito.

Ngunit sa kabila noon ay ngumiti pa rin ito ng matamis...

"Sino ka bang talaga?!!.."

"Matalas pa rin ang pakiramdam mo, Zech..."

Nagbago ang tono ng boses nito, naging mababa iyon at baritono... Unti-unti, nagbago na ng tuluyan ang anyo nito.. Napanganga ng bahagya si Zech at hindi makapagsalita...

"Mukhang nagulat ka..? Hindi mo ako inaasahang magpapakita sa'yo, ano?" mahinahon nitong wika.

He was Asmodeus-one of the Seven Prince of Hell.. The Sin of Lust.....

"Ano bang kailangan mo sa akin?"

"Kailangan ko lang ng kasagutan... Ilang araw na ang nakakalipas ng dalawin ko ang tanim kong... Forbidden fruit... Ayon sa walang-kuwentang Red Demon Skull, may kumuha daw ng hinog na bunga noon... Base sa description niya, ikaw ang tinutukoy.... Sa galit ko sa pagiging walang-kuwenta niya... Dinurog ko siya ng unti-unti..."

Itinaas nito ang kanang-kamay ng nakakuyom... May kung ano sa palad nito... Marahan nito iyong ibinuka at nalantad sa kanya ang pulang-pulbos. Itinapon nito iyon sa hangin. Alam niyang ang Red Skull Demon iyon...

"Bakit mo kinuha ang bunga ng Forbidden Fruit at saan mo iyon ginamit?!"

Aatras sana si Zech pero hindi siya makakilos... Hindi niya maintindihan... Pasimpleng ngumiti sa kanya si Asmodeus...

"Sa tingin ko, mas makakapag-usap tayo ng husto sa isang pribadong lugar.."

Pagkatapos ay pasimpleng naglakad si Asmodeus palapit kay Zech... Huminto siya ng matapat siya sa tabi nito.

"Pinakaayaw ko, ang kinukuha ang mga bagay na pag-aari ko..."

DUG!!... Inatake niya ang batok ni Zech at nawalan ito ng malay... Hindi pa rin makagalaw si Zech ng magising siya... Sinipat niya ang sarili, nakabalot siya ng itim na Angel's Chain... Alam niya kung kanino iyon, kay Asmodeus... Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang mga dating kasamahan sa Black Circle Organization.

"Long time no see, Zech.." sarkastikong wika ni Vaulant.

Nakatayo ito sa tabi ni Asmodeus na prenteng nakaupo at nakade-kuwatro... Nasa paligid nito ang iba pang mga fallen angels na dati niyang kasamahan. Ike, Tumand, Legion, Creta, Hydrian, Colossus, Hideus Ziggur at Bony.. Ang iba naman sa paligid ay mga demons na mababa ang uri...

"Mabuti naman at gising ka nang walang-hiya ka... Kanina pa kita gustung tanungin kung ano ang rason mo.. Bakit mo kinuha ang Forbidden Fruit?" mahinahong tanong ni Asmodeus...

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon