"FOUNDATION DAY"
"Good morning, Sir Blade!" malambing na wika ni Leah-(Leo ang totoo nitong pangalan.) Nabibilang ito sa class III-A.
"Good morning." papunta si Blade sa classroom ng III-A.
Unang klase niya ang mga ito tuwing TTH. Kahapon, ay hindi pa nakapasok si Rane. Mahina pa ito matapos itong mapahamak ng dahil sa padalus-dalos na kilos ni Drake. At ngayong Martes ay hindi pa rin ito nakapasok..
"Sir, ako na ang magdadala ng gamit mo." presinta ni Leah.
"Hmf! Wala akong maipangmemeryenda sa'yo."
"Sir, isang kiss lang okay na!"
"Loko! Bawal 'yan."
"Libre na lang, Sir." kulit nito.
"Sige, mapilit ka eh." agad niyang iniabot dito ang dalang bag at libro.
History ang klase niya sa mga ito.
"Hmm... Ang bango-bango, amoy baby! Sir, pati tagapunas ng pawis mo kapag P.E. ang klase mo sa mga II-A... Puwede ako!"
"Ha ha. Never mind!"
Magkasunod silang pumasok sa loob ng classroom. Excited nitong inilapag sa mesa ang mga gamit niya at agad na umupo sa puwesto nito.
"Good morning class!"
"GOOD MORNING SIR!"
Nagsimula na ang klase... Napapataas ang kilay ni Blade habang nagtuturo.. Paano ba naman, naiisturbo ang klase niya dahil sa pagpasok ng mga late na estudiyante.
"Ehem! Alex, bakit ka na-late?" tsinito ito at maputi. Matangkad na medyo payat.
"Sir, matindi ang traffic sa Batakil Village."
Ang totoo niyan, walking distance lang ang Batakil Village papunta sa BLB High School.
"Eh ikaw, Richard... Bakit ka na-late?!" matangkad ito ng kaunti kay Alex at mas may laman. Moreno ito at pinoy na pinoy ang features.
"Sir, coding kasi sa Batakil Village."
Kinuyom ni Blade ang kanyang kamao ng palihim. 'Nalase!' Halos magdikit na ang kanyang mga kilay...
"Eh bakit ang mga taga-Laoac, hindi sila nalelate? Di hamak namang malayo ang barangay ng Laoac kaysa sa Batakil Village?"
"Sir naman! Wala naman kayang traffic at coding sa Laoac. Compare ba naman." sagot ni Alex.
Napayuko si Blade at pilit na nagtimpi... Ayaw niyang masira ang umaga niya ngayon... Pero, mukhang sira na nga...
"Hindi ko pa ba nasasabi sa inyo na taga-Batakil Village din ako?! Nasa taas pa ng bundok ang bahay ko."
"Sir, palibhasa hindi niyo natsatsambahan ang traffic at coding." singit ni Richard.
"Abuwisit ak pa!.." ayun nagaya na niyang bigla ang expression ni Drake.
Tuluyan na siyang sumabog. Huminga siya ng malalim para huminahon. Biglang may ideya na pumasok sa utak niya... Napangisi siya ng wala sa oras...
"Dahil diyan, mayroon akong announcement!"
"Ano 'yun, Sir?" curious na tanong ni Katrina. Tsinita, morena at tama lang ang biyas.
"Simula bukas... Lahat ng late at absent sa klase ko... Magta-TALENT PORTION!"
Nagkatinginan ang lahat at natahimik.
"Sa ngayon, palalagpasin ko muna sina Richard at Alex. Pero hindi na puwede sa susunod kaya maghanda na kayo ng kung ano mang talent niyo... Kung wala naman kayong talent, di huwag na lang kayong magpa-late at umabsent. Umupo na kayo, Alex at Richard."
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...