"Para sa Field Trip"
Kasalukuyang nagkaklase ng art si Mr. Mantoya sa class II-A. Nasa mesa niya si Blade at gumagawa siya ng kanyang lesson plan. Samantalang si Rane, mataman na nakikinig sa lecture. Nakaupo siya malapit sa mesa ni Blade.
"Ang sphere ay bilog..." paliwanag ni Mr. Mantoya.
Hindi naman sinasadyang napatingin si Rane sa panot nitong ulo at bilugang tiyan. Hindi naman niya sinasadya, noong narinig niya kasi ang salitang bilog, naghanap ang mga mata niya ng bilog.. Tumalikod na si Mr. Mantoya at nagdrawing. Sinamantala iyon ni Rane at bumungisngis siya ng mahina. Mukha na siyang ewan. May kumalabit sa kanya at napalingon siya.
"Anong tinatawanan mo diyan?" si Sir, Blade pala.
"K-Kuwan... Wala."
"Anong wala?! Sabihin mo na, hindi ko naman ikakalat eh."
Ayon, sinabi na niya dito ang tinatawanan niya. Tumawa rin ito. At tuwing humaharap si Mr. Mantoya, pinipigil nila ang tawa at ngumingiti lang sila. Pambihira! May kalokohan din naman palang itinatago si Rane.
"Sir, anong tinatawanan niyo diyan?" tanong ni John Paul.
Sinabi naman agad ni Blade ng pabulong iyon. Hindi nagtagal, kumalat na sa buong klase. Walang kamalay-malay si Mr. Mantoya.
"Aba, mukhang masaya yata ang buong section na ito ah. Pati ikaw Blade, abot-tenga ang ngiti mo diyan." puna ni Mr. Mantoya.
"Masaya lang kami sa araw na ito." nakangiting wika ni Blade.
Pigil na pigil niya ang sarili na matawa ng mga sandaling iyon. Ito kasing si Rane!
"Ganoon ba? Tingnan ko lang kung makangiti pa sila sa ibibigay kong long quiz." napatangong-wika nito.
Tumalikod na ito at ipinagpatuloy ang pagsusulat sa blackboard.
"Hindi bale, hindi na kayo masi-zero. Alam na alam niyo na ang SPHERE ay BILOG..." pasimpleng wika ni Blade.
Nagbungisngisan tuloy silang lahat. Dumungaw sa may pinto si Mrs. Ignacio. Nagbigay-galang ang class II-A dito.
"Blade, halika sandali. Kailangan ka namin ni Mrs. Marzan."
"Oh sige, andiyan na."
Tumayo na si Blade at pinuntahan si Mrs. Ignacio. Bago siya tuluyang umalis, may pahabol pa siya.
"Class, ang sphere ay bilog!"
Nagsitawanan ang buong klase. Na-gets na iyon ni Mr. Mantoya.
"Kayo ah! Inapi niyo na naman ako ah!" wika ni Mr. Mantoya, pero natawa rin. Hindi naman kasi ito pikon.
Samantala, naglalakad na sina Blade at Mrs. Ignacio sa hallway ng school. Pababa sila at papunta sila sa mga firts year.
"Ano ba ang kailangan niyo sa akin?" curious niyang tanong.
"Alam mo kasi, nagpracticum sa Home Economics ang mga first year. Si Hunter ang isa sa magja-judge sa mga niluto ng mga bata. Kinulang kami ng isa pang judge. Hindi naman puwede si Mr. Pinular dahil busy siya sa klase niyang P.E. sa mga third year. Mabuti na lang at hindi ka busy."
Nanlaki ang tenga ni Blade sa narinig. Ang suwerte naman niya. Libre ang tanghalian niya. Sana araw-araw may practicum ang mga estudiyante sa Home Economics at volunteer agad siya para magjudge!
"Ano bang kailangang gawin?" tanong niya kahit na alam na niya.
"Titikman mo lang naman ang lahat ng niluto ng mga estudiyante. By group naman sila kaya hindi kayo mahihirapan. Depende sa lasa ng pagkaing niluto nila ang ibibigay niyong grade." mahabang paliwanag ni Mrs. Ignacio.
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...