"Blue Rose"
Nasa bahay ni Lolo Gusting ngayon sina Blade, Hunter, Rane at Conrad. Nagpasama ang dalawa para mapasalamatan ni Conrad ang matanda ng personal. Dinalhan nila ito ng mga pagkain. Busy ang mga ito sa picture-taking at mataman lang na nanonood si Blade sa mga ito. Nakaupo siya sa duyan na nakakabit sa malaking puno ng mangga. At sa wakas, nagsawa na din ang mga ito. Nagpunta na ang mga ito sa papag na nasa tabi ng duyan.
"Talagang nilulubos-lubos niyo ang pagpapapicture niyo ah?" comment ni Blade.
"Siyempre naman!" masiglang sagot ni Lolo Gusting.
"Sabagay, tama 'yan. Para kung saka-sakali, maraming pagpilian na puwedeng ilagay sa tarpauline."
"IKAW!"
Nakatikim ulit ng sabunot si Blade.
"Huwag mong pagtripan ang maganda kong buhok Tanda! Masyado ka namang pikon!"
"Talagang nakakapikon ang sama ng tabas ng bibig mo!" lalo nitong sinabunutan si Blade.
"Ageh! Anak na lase naman ay!"
"Tatay, tama na po iyan. Heto na po iyong ipinaluto niyo." tawag ng anak nito na si Baste.
Inilapag nito sa papag ang mangkok.
"Ayan, tikman niyo na muna itong paborito ko bago kayo umuwi!" masiglang wika ng matanda.
Kumuha ito ng pagkain at agad na sumubo. Natigilan sila at nagkatinginan.
"YUCK! Lolo Gusting! Tateg naman iyan ay!" wika ni Conrad.
Tateg-ito ang tawag namin sa mga uod na nakukuha sa mga nabubulok na kahoy. Iyong mga matataba na kulay puti at nagiging salangubang. Masarap daw sabi ng mga nakakain na...
"Masarap kaya, bakit hindi niyo tikman!" wika pa ng matanda.
Tumayo si Blade at lumapit. Mukhang sarap na sarap si Lolo Gusting. Wala sa sariling kumuha siya ng isa at agad na isinubo iyon... Tapos, sunud-sunod na ang kinain niya.
"Ang sarap pala! Parang chicharon! Tikman niyo. Don't judge the food by it's cover!" pakli niya.
"Dahil kinain ito ni pare ko Blade, kakain din ako!" wika ni Conrad saka kumuha ng isa.
Pumikit ito bago nito isubo ang pagkain.
"Ate Rane, masarap nga! Tikman mo!"
"H-Ha?!" napatanga si Rane.
Tiningnan niya iyong laman ng mangkok. Toasted ang pagkakaluto noon... Dahil nakakain si Conrad, kakain din siya. Kumuha siya ng isa at isinubo iyon. Tama nga sila! Masarap nga!
"Kuya Hunter, kumain ka rin! Masarap!" palatak ni Rane.
Namutla si Hunter at napatingin sa kinakain ng mga ito. Sinapo niya ang bibig.
"Ano... Busog ako eh. Diet ako ngayon dahil nagwo-work-out ako. Binibuild ko kasi itong mga abs ko eh."
"Ang sabihin mo, nag-eenarte ka lang diyan." pakli ni Blade.
"Masarap talaga, kuya Hunter. Parang chicharon! Iyong itsura lang niya ang hindi maganda." si Conrad...
"Ayaw ko eh."
Napatingin ang lahat kay Hunter at napangiwi siya. Hindi talaga niya ma-take kumain ng exotic. Hindi naman siya katulad ni Blade na halang ang bituka pagdating sa pagkain.
Biglang hinawakan ni Lolo Gusting ang magkabila niyang kamay, mahigpit iyon. Malakas ang matandang ito, hindi siya makawala!
"A-Ano bang binabalak niyo?!"
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...