31. "Fallen Wings..."

2.2K 95 1
                                    

                 "Fallen Wings..."



Nag-aaway sina Drake at Lolo Gusting noong dumating si Hunter, na buhat si Ai na wala pa ring malay... Pinag-aagawan ng mga ito ang isang libro.

"Hoy! Anong nangyayari diyan?!" untag niya sa dalawa.

Parehong natigilan sina Drake at Lolo Gusting ng marinig nila ang boses ni Hunter. Mabilis na itinago ni Drake sa kanyang likuran ang hawak niyang libro.

"Ahm... Wala lang ito, huwag mo kaming pansinin! He he he he!" wika ni Drake.

Napataas ng kilay si Hunter, dinala niya si Ai sa kama nito at inihiga...

"Ano ba?! Ibigay mo sa akin 'yan!..." wika ni Lolo Gusting.

"Hindi puwede! Hindi ko pa natitingnan eh!!... Titingnan ko muna!.."

"Saka na lang, kapag natapos ko!!.. Diyaske kang bata ka... Akin na!!.."

Yamot na pinuntahan ni Hunter ang dalawa.

"Ano ba iyang pinagkakaguluhan niyong dalawa, ha?! Akin na nga!!!.." mabilis na inagaw ni Hunter ang hawak ni Drake na libro.

"Ah!!!.... Abuwisit ak pa!! Ibalik mo sa akin 'yan!!.." OA na sigaw ni Drake.

"Bakit ba nagkakagulo kayo sa librong ito, ha?!"

Wala sa sariling binuklat ni Hunter ang libro. Nanlaki ang mga mata niya at nag-init ang buong mukha niya.. Alam niyang namumula siya ngayon... Isa pala iyong, hentai manga..

"M-Mga bastos!!!..." gigil niyang wika.

Samantala, naalimpungatan si Ai sa ingay na naririnig niya sa paligid... Bumangon siya sa kanyang kama at nakita niyang...

"Matte!!... Yameru!!..." ( Wait!!... Stop it!!.. )

Pero wala nang nagawa ang sigaw niya, pinagpupunit na ni Hunter ang librong hawak nito... Mabilis na lumapit si Ai at tiningnan sa sahig ang pinagpira-pirasong libro..

"Kisamma!..."

"Ump! Ang bata-bata mo pa, nagbabasa ka na ng ganyan!.." malakas na binatukan ni Hunter si Ai..

"Awwww!!!..."

Napatingin si Ai sa paligid. Wasak ang pader ng kuwarto niya at ang gulo ng paligid...

"A-Anong nangyari?" gulat na tanong ni Ai.

Lumapit sa kanya si Drake.

"Ehem! Gumawa ka lang ng naman ng ritwal at nakipagkontrata ka sa isang demonyo.. Sinapian ka ng demonyo at nagkagulo kaming lahat dahil sa'yo!"

Napakunot-noo si Ai... Tapos naalala niya iyong ginawa niya...

"S-Sinapian ba talaga ako ng demonyo?! Nanda to korya!!..." hindi makapaniwala niyang wika.

( nanda to korya- what the hell )

"Oo! Sinapian ka talaga! Mabuti na lang at may kilala kaming magaling na albularyo.. Si Lolo Gusting... Magpasalamat ka sa kanya dahil siya ang gumamot sa'yo..."

Napatingin si Ai sa matandang sinasabi ni Drake.. Napangiwi siya...

"A-Albularyo...? Sigurado ba kayong pinagaling ako ng matandang iyan?!!.. Hindi kaya siya iyong demon na sumanib sa akin?!!..."

Walang pasintabing lumapit si Lolo Gusting kay Ai at hinampas niya ito ng tsinelas sa mukha.. Kaya lang, inihaharang nito ang mga braso...

"Aba't! Bastos kang bata ka ah?!!.... Kagaya mo ang Blade na iyon na masama ang tabas ng bibig!!..." gigil na wika ni Lolo Gusting.

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon