26. "Katapat na Estudiyante ni Blade"

2.7K 109 8
                                    

"Katapat na Estudiyante ni Blade"

"Darating na naman siya dito. Tiyak na sasakit na naman ang mga ulo natin!" wika ni Mrs. Molina.

"Oo nga, maha-highblood na naman tayong lahat.." napangiwing wika ni Mrs. Ignacio.

"Ano bang problema niyong lahat? Bakit kayo aburido?" maang na tanong ni Blade sa lahat.

Nasa principal's office ang buong faculty dahil nagpatawag ng meeting si Madam Principal. Tumingin ang lahat sa kanya at nangislap ang mga mata.

"Oo nga, Blade! Ikaw ang pag-asa namin! Di ba, Madam Principal?!" nabuhayang wika ni Mr. Mantoya.

"Anak na lase! Pag-asa? Bakit?!" windang niyang tanong.

Ngumiti ng misteryoso si Principal Arales. Napa-ehem-ehem muna ito.

"Alam mo kasi Blade, may darating na exchange student.. Mga dalawang Linggo siya dito... Magmumula siya sa Japan at mukhang bagay na bagay na i-handle mo siya."

"H-Ha?! Adik nga ako sa anime pero hindi naman ako bihasa sa salitang Hapon! Wrong-mistake iyan, Madam!" pakli ni Blade.

"Huwag kang mag-alala, Blade... Ilang beses na siyang nagpabalik-balik dito kaya bihasa na siya sa lenguwahe natin. Gusto ko na ikaw ang maghandle sa kanya habang narito siya dahil mukhang madidisiplina mo siya. Hindi ko ikahihiyang aminin sa 'yo na sumuko kaming lahat sa kanya. Pero mukhang ikaw, kaya mo siyang disiplinahin."

Nilamon tuloy ng curiousity si Blade.

"Okay, sige.. Titingnan ko ang magagawa ko." sagot na lang niya.

Ito ang araw na pagdating ng exchange student na sinasabi nila. Nasa classroom na ito ng Class II-A.

"Introduce yourself." wika ni Blade sa bata.

Medyo matangkad ang batang lalaki at nakasuot ito ng uniform na nakikita niya sa mga anime. Nag-vow ito sa lahat.

"I'm Shintaro Aihara. Watashi douzo yororhiko.. I mean, nice to meet you. Just call me, Ai."

Nakita niya na marami sa mga babaing estudiyante niya ang kinilig. Magandang lalaki din naman kasi itong si Ai.

"So, kamusta naman ang Japan?" tanong niya dito.

"Eh di marami pa ring Hapon. Japan pa rin, hindi umaalis. Baka.." pilosopo nitong wika. ( baka-stupid ).

Ngumiti si Blade dito na may kasamang gigil. Pagkatapos ay bigla na lang niya itong binatukan ng malakas. Gulat na napatingin si Ai sa kanya. Hindi nito inaasahan na gagawin niya iyon.

"Alam mo, hindi nga ako gaanong marunong ng salita niyo.. Pero naintindihan ko iyong huling sinabi mo."

"Honto?" balewala nitong wika.

( honto-really )

Nawiwindang na napapatingin ang mga estudiyante sa kanila. Maging ang mga co-teachers na lihim na nakasilip sa labas.

"Oo. Sit down! At tigilan mo iyang pagsasalita mo ng Hapon dahil nasa Pilipinas ka na. Animal!"

"Di sige.." umirap pa ito kay Blade.

"Sir.. Huwag mong kakalimutan iyon."

"Oo, Sir."

"Po at opo ang isasagot mo kapag nakikipag-usap ka sa aming mga nakakatanda sa'yo."

"Hush, hindi uso sa amin iyan. Napaka-demanding mo namang klase ng teacher! Bakit sa advisory mo pa ako napunta? Kisamma!" ( kisamma-damn )

Bigla itong binatukan ulit ni Blade.

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon