30. "Iligtas si Ai"

2.2K 92 4
                                    

    "Iligtas si Ai"

 

 

 

Agad na umalis sina Blade at Hunter matapos na tumawag si Drake. Muling tinawagan ni Blade si Drake.

"Nasaan ka ngayon?" tanong niya.

"Sinusundan ko si Ai. Nasa tapat ako ng langit!"

"Anak na lase! Abuwisit ak pa! Mayroon bang lugar sa mundong ito na wala sa tapat ng langit?! Linawin mo nga! Animal!" inis na wika ni Blade.

"Pasensiya! Natataranta eh!... Papunta kami sa siyudad!!..."

"Ayan, malinaw! Magkita na lang tayo!"

"Nasaan daw sila?"

"Papunta daw sila sa siyudad."

Hindi na umimik si Hunter, tumango lang ito. Mabilis silang tumatalon sa bubong ng mga bahay. Samantala, patuloy na hinahabol ni Drake ang sinapiang si Ai... Naalala niya na kapag ang tao ay sinapian ng masamang espiritu, dapat hampasin ng sanga ng bayabas na may maraming dahon... Ayon na rin iyon sa pamahiin ng mga matatanda. Huminto siya sandali, at kumuha ng mga sanga ng bayabas. Noong makakuha siya ay mabilis niyang hinabol si Ai.

"Buwisit kang bampira ka! Ang kulit ng lahi mo!!... SNAKE THREAD!!!!!..."

Muling naglabas ng maraming ahas sa katawan si Black Mamba at isinugod iyon kay Drake.

"BLAZING INFERNO!!!..."

Sinunog lang ni Drake ang maraming ahas na sumugod sa kanya. Siya naman ngayon ang sumugod. Tuluyan na siyang lumapit dito.

"A-Ang bilis!!.." bulalas ni Black Mamba.

"Ngayon, lagot kang espiritu ka!!!..."

Hinampas-hampas ni Drake ng maraming beses ang katawan ni Ai ng mga sanga ng bayabas na dala niya. Siniguro niyang malalakas ang mga iyon.

"Ump! Ump! Ump!!!..." ungol ni Black Mamba.

Humihingal si Drake nang huminto siya.

"Huh... Huh... Siguro naman, aalis ka na sa katawang iyan!"

Ngunit ngumiti lang sa kanya si Black Mamba.

"Anong akala mo sa akin? Isang mahinang espiritu? Isa akong demon-spirit... Ang Snake Demon!!..."

"Ah ganoon?!!!...."

Nahagip ng mga mata ni Drake ang isang puno ng bayabas sa di kalayuan. Itinapon na niya ang hawak niyang mga sanga. Agad niyang pinuntahan at binunot na niya ang mismong puno ng bayabas.

"Tingnan ko lang kung hindi ka sumuko kapag ang puno na ang inihampas ko sa'yo!! Abuwisit ak pa!!..."

"HAAA?!!!! BALIW!!!!.."

"Magkakasubukan tayo ngayon!!.."

Samantala, abala si Rane sa pamimili ng halaman na bibilhin niya... Patuloy siya sa pagtingin hanggang sa makapili siya. Isang blue babies breathe ang napili niya. Kinuha niya iyon at noong paglingon niya ay may nakabangga siya. Muntik nang mahulog ang hawak niya... Mabuti na lang at nahawakan nito ang mga kamay niya.

"Naku, pasensiya na!" wika niya.

Nagulat siya ng mapatingala siya. Si Zech... Mataman lang itong nakatitig sa kanya, natigilan siya. Hindi niya alam kung paano siya magre-react..

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon