"PROMISE"
Gutom na gutom na si Blade at nabuburyong na siya....
"Hunter!!!.... Magluto ka na, pakiusap!!... Animal na ito, Oo!!... GUTOM na ako!!!... Anak na lase!! Buset!.." buryong niya.
Yamot na tumingin si Hunter sa kanya.
"Okay ka lang? Walang laman ang kusina. Kaya walang mailuluto. Pupunta pa lang tayo sa supermarket para mamili.." yamot na wika ni Hunter.
"Magluto ka na!!... Aralin mong magluto ng walang mailuto!!.."
"Abuwisit ak pa! Tumigil ka nga diyan, Blade!" sita ni Drake.
"Pabayaan mo siya, Drake. Ako nang bahala!" ngumisi si Hunter.
Iyong pang phsycho-killer... Napailing na lang si Drake. Pumunta na sa kusina si Hunter.
"Uy, Blade... Alam mo naman na nakakatakot si Hunter kapag galit... Nasa phsycho-mode na naman siya ng dahil sa'yo.."
"Eh.... Gutom na ako eh... Animal..."
Ilang segundo lang, bumalik na si Hunter. May dalang plato at inilapag sa harap ni Blade.
"Oh ayan!"
"Teka, nasaan ang pagkain?" maang na tanong ni Blade.
"Di aralin mong kumain ng walang pagkain!" nakangising sagot ni Hunter.
Natawa si Drake.
"Animal!" mura ni Blade.
"Tama na iyan.. Lumabas na lang tayo at mamili." awat ni Drake sa dalawa.
Lumabas na nga sila at namili ng kanilang mga kakailanganin. Binilisan lang nila ang pamimili. Masaya silang nagkukuwentuhehan sa daan habang naglalakad pauwi.
"Grabe, first time kong makita na mag-away kayo nitong si Hunter..." natatawang wika ni Drake.
"Etong Blade na ito kasi, baliw.. Akala niya, uubra siya sa akin.."
"Oo na, pasensiya na... Sadyang baliw talaga ako kapag gutom..." yamot na wika ni Blade.
Napatigil silang tatlo sa paglalakad ng may marinig silang ungol....
"Oh..... Ah.... Da... Eh.... Semsyon..."
Kasabay ng ungol na iyon ang kantang The only exception...
"Mukhang may masamang espiritu sa paligid!" alertong wika ni Drake.
Yamot na napabuga ng hangin si Blade at napatingin sa kaibigan.
"Tsk, tsk, tsk! Huwag ka ngang praning diyan, Drake... Hello, nasa Batakil Village ka kaya... Iyong ungol na sinasabi mo... Ayan, galing diyan sa lasing na nakahandusay sa tabi.. Bagsak na nga at lahat na.. Feel na feel pa ang pagsa-soundtrip.. Anak na lase!!..."
Napatingin sina Hunter at Drake sa direksyong itinuro ni Blade. Napangiwi ang dalawa ng makita nila ang lasing na lagpak sa tabi ng kalsada at nagawa pa nitong magsoundtrip. Sumasabay pa ang ungol nito sa music.
"P-Parang kilala ko ang lasing na ito ah..?" maang na wika ni Hunter.
"Malamang kilala mo nga. Abuwisit ak pa! Si Kapitan Quakie lang pala..." yamot na wika ni Drake ng makilala niya ang lasing.
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...