"The Blood Demon Rises"
"Kanina pa daw natapos ang program ni Drake at agad daw siyang umalis sabi noong katrabaho niya." wika ni Hunter.
Naghahanap na naman sila ng kalaban ng gabing ito pero wala silang makita. Pero umaaasa sila sa tsamba, katulad nang maka-engkuwentro nila si Legion. Palibhasa, wala silang alam sa black magic.. Tapos, noong mayamot sa paghahanap si Blade ay bigla itong nagyaya sa radio station na pinapasukan ni Drake. Wala lang, trip na naman nitong manguglit.
"Ganoon? Eh bakit hindi man lang natin siya nakasalubong man lang? Haizt! Matawagan nga at mayaya siyang magkape." pakli ni Blade.
Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon at agad na idinial ang number ng kaibigan niya. Ring ito ng ring pero hindi naman sinasagot. Yamot na kinansela ni Blade ang tawag at naiinis na tumingin sa langit. It was full moon.
"Oh, bakit mukhang badtrip ka?"
"Animal naman kasi eh! Hindi niya sinasagot ang tawag ko! Abuwisit ak pa! Sana man lang magtext siya kahit na sa'yo at nang hindi tayo aburido dito.." nakasimangot na wika ni Blade.
"Asus! Nag-aalala ka lang diyan eh... Malay natin kung bigla noong naisipang puntahan si Rane. Eh alam mo naman ang isang iyon."
"Sabagay. Dahil nasabi mo iyan, pupunta nga ako kina Rane. Magbabasakali ako kung nandoon nga siya. Tawagan mo ako kung sakaling magkita kayo dito."
"Nagbabakasakali... Makiki-foodtrip kamo ah. Ginawa mo pang dahilan si Drake."
"Nalase! Ganoon na ba kalala ang kalagayan ko sa paningin mo, ha? Animal naman, Oo.."
"Hindi lang naman sa paningin ko ano? Kundi sa lahat ng nakakakilala sa'yo. Besides, hopeless case ka na, no."
"Tse! Abuwisit ak pa! Diyan ka na!"
Umalis na si Blade. Napatingin siya sa paligid at tiningnan kung may ibang tao... So far naman ay wala. Kaya naman agad niyang inilabas ang kanyang mga pakpak at lumipad palayo.
Natigilan si Rane ng makarinig siya ng mahihinang katok sa pinto ng kanyang terrace. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya makatulog. Iniisip pa rin kasi niya ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Zech. Ilang beses siyang bumuntung-hininga at patuloy ang naririnig niyang katok sa pinto. Tumayo na siya dahil mukhang balak talaga siyang bulabugin ng kung sino mang kumakatok. Marahan niyang binuksan ang pinto at napatanga siya ng makita niya kung sino ang nasa likod ng pinto.
"Yoh! Naisturbo ba kita, ha? Sorry ah.." nakangiting bati ni Blade sa kanya.
Napakunot-noo ito at biglang napatitig sa mukha niya. Nawala ang ngiti nito at nanatiling nakatingin sa kanya. Medyo nailang siya. First time niya kasing nakita na seryoso ang mukha nito.
"Anong nangyari? Bakit ka umiyak?" bigla nitong tanong.
Naibuka niya ang bibig pero walang lumabas na mga salita. Pero nakabawi din naman siya sa pagkabigla.
"A-Ako... Umiyak ba ako? Hindi ah..." umiwas siya ng tingin.
"Huwag ka nang magdeny. Nalase naman, halata naman sa mga mata mo. Si Archer ba ang dahilan?!"
Napaatras siya at hindi siya makaimik.
"Animal ang isang 'yon! Sinasabi ko na nga ba at tama ako eh. Lagot siya sa akin kapag nakita ko siya! Humanda siya!"
"Huwag kang magalit sa kanya... Wala siyang masamang ginawa sa akin.."
Sumimangot si Blade at matamang tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...