19. "REVELATIONS"

2.2K 89 12
                                    

  "REVELATIONS"

 

Oras ng recess at naglalakad si Blade sa hallway ng makita niya si Rane na may itatapon sa trash can. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita niya kung ano ang itatapon nito... Isang chocolate bar na TOBLERONE. Mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan nito.

"HUWAG!!!..." sigaw niya.

Mabilis na lumapit si Blade kay Rane at agad na inagaw ang hawak nito.

"Bakit ba?" yamot na tanong ni Rane.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha? Nag-aaksaya ka ng pagkain! Ang mahal ng chocolate na 'to, itatapon mo lang?" sermon ni Blade.

"FYI, hindi ako nag-aaksaya ng pagkain. Expired na kaya 'yan kaya ko itatapon. Basahin mo pa iyang kahon. Matagal na kasi iyang nai-stock sa bag ko.. Tapos, ngayon ko lang naalalang kainin. Expired na pala. Itapon mo na lang."

Tiningnan nga ni Blade ang kahon at tama nga si Rane.

"Oo nga, ano? Two-months na pala siyang expired."

Binuksan ni Blade ang kahon ng chocolate at inilabas ang laman. Pagkatapos noon, tinanggalan nito ng foil ang kalahati.

"T-Teka, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" nawiwindang na tanong ni Rane.

"Sisiguruhin ko lang kung hindi na talaga puwedeng kainin. Malay natin, puwede pa siya..."

"Akin na 'yan at itatapon ko na!"

Aagawin sana niya ang chocolate kaya lang ay mabilis nitong naiiwas ang kanang kamay.

"Akin na sabi eh! Itapon mo na 'yan, Sir Blade! Expired na 'yan, ano ba?!!!.."

Napatigil tuloy ang ilang estudiyante na naroon at napatingin sa kanila.

"Uy! Pustahan, kakainin ni Sir Blade 'yung expired na chocolate!" wika ng isang estudiyante.

Napayuko si Rane.

"Itapon mo na 'yan!" gigil niyang wika.

Napagod na siya sa tangkang pag-agaw ng expired na chocolate. Matangkad kasi ito.

"Ano ka ba? Titikman ko lang naman ng kaunti."

Inamoy-amoy pa ni Blade ang chocolate.

"Uy, mukhang puwede pa siya. Mabango pa rin ang amoy niya."

"Wala akong pakialam sa amoy niyan. Basta, hindi na puwedeng kainin 'yan. Dapat na 'yang itapon!"

Pero kumagat na si Blade sa chocolate!

"AHM!!!!... Hmmmm!!!... Mas masarap pa pala sa inaakala ko ang isang 'to!! Puwede pa siya, Rane. Tikman mo kaya."

Napasabunot si Rane sa buhok at nagtawanan ang mga estudiyanteng nakakita sa eksena.

"Wala kang patawad! Wala kang patawad.." nakangiwing wika ni Rane.

"Hmmm!! Ang sarap talaga, Rane!"

Sinimot ni Blade ang expired na TOBLERONE. Pagkatapos noon ay bigla itong matigilan at nasapo nito ang dibdib. Napaluhod din ito..

"T-Teka, ayos ka lang Sir?" nag-aalalang tanong ni Rane.

Lumapit siya dito at tiningnan niya ang itsura nito. Seryoso ang mukha nito.

"H-Hindi ako makahinga... P-Parang sumakit yatang bigla ang dibdib ko..."

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon