18. "Nakaraan ni Drake"

2.9K 113 7
                                    

 "Nakaraan ni Drake"

Naglalakad ngayon sina Blade at Hunter sa siyudad para hanapin ang mga kalaban. Kagaya ng dati, wala pa rin silang mahanap dahil hindi nila maramdaman ang aura ng mga ito.

"Ano kayang klaseng mahika ang ginawa ng mga iyon?" wika ni Hunter.

"Malay ko sa mga animal na iyon ay!" sagot ni Blade.

Humalo sila sa maraming tao at tumawid na sila sa kalsada. Natigilan sila ng makita ang makakasalubong nila sa gitna. Si Legion! Mabilis itong umatras at tumakbo palayo. Agad nila itong hinabol. Tumalon ito sa itaas ng isang gusali at doon sa itaas ng mga building sila naghabulan.

"Putang-ina! Kung mamalasin ka nga naman!" inis na turan ni Legion.

Patuloy sa paghabol sa kanya ang dalawa.

"Huh, hindi ako mulagat at tanga na katulad ng animal na si Astaroth!"

Pagkasabi ni Legion ay nagsummon siya ng mga Ash Demon. Malalaki ang mga iyon na katulad ng Golem at nag-aapoy ang katawan.

"Mag-enjoy kayo sa mga alaga ko!" nakangising wika ni Legion.

Pagkatapos noon ay bigla itong naglaho.

"Naiintindihan ko na, Blade! Mahihirapan talaga tayong pakiramdaman sila dahil gumagamit sila ng barrier... Black magic ang kanilang gamit. At mula iyon sa Seven Prince of Hell!"

"Seven Prince of Hell?!"

"Sila ang mga anghel na nanguna sa pag-aaklas noon. Mga counterpart sila ng Seven Archangels!"

"Abuwisit ak pa!" bulalas niya.

Samantala, kalalabas lang ni Drake mula sa radio station na pinapasukan niya. Suma-sign in siya dito bilang si MR. MIDNIGHT. Napatigil siya sa paglalakad ng makita niyang nakatayo sa daraanan niya ang isang lalaki.

"Long time no see, Drake. Kamusta ka na ngayon?"

"Anong ginagawa mo dito sa Pilipinas, Trade?!" nabigla niyang tanong.

Trade Saunders, isa ring bampira na matagal niyang nakasama sa bansang pinagmulan niya.. Sa Pennsylvania.

"Para kamustahin ang aking kaibigan... Bakit hindi muna tayo magkape?"

Sa tono ng pananalita nito, hindi siya maaaring tumanggi.

"S-Sige.." alanganin niyang sagot.

Naglakad sila papunta sa malapit na Coffee Shop at pumuwesto sila sa sulok. Iyong malayo sa karamihan. Iilan lang din ang customers ng oras na iyon dahil malalim na ang gabi.

"Bakit ka ba nandito?" seryosong tanong ni Drake.

"Para makita ka. Mukhang nag-eenjoy ka ng husto sa lugar na ito. Sabihin mo, mas masarap ba ang lasa ng dugo ng mga tao dito?"

"Tumigil ka... Abuwisit ak pa!"

Napakurap ito at tumingin sa kanya. Ngumiti ito ng matipid at napangalumbaba.

"Pati local na lenguwahe nila, na-adopt mo na ng husto. Mas marami ka na bang nabiktima dito kaysa sa Pennsylvania, Deadly Nightshade?"

"Huwag mo akong tatawagin sa bansag na iyan. Matagal ko nang pinatay sa loob ko ang halimaw."

"Hindi ko akalain na sasabihin iyan bampirang tumapos sa limang Vampire Lords ng isang gabi lang. Sabihin mo, bakit ka lumayo? Bakit ka umalis ng hindi ka man lang nagpaalam?" halata ang hinanakit sa tinig nito.

Matangkad si Trade kumpara sa kanya. Emo na may spike ang estilo ng buhok nito. Nakasuot ito ng asul na polo at itim na pantalon. Mas mukha itong normal, kaysa sa kanya.

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon