11. Field Trip

3.1K 121 12
                                    

                                                              "Field Trip"

 Ito na ang araw na pinaghandaan nila... Ang Field Trip. Nasa school na sina Blade, Hunter at Drake... Oo na, sumama si Drake para ihatid sila. Ala-ona naman ng madaling-araw sila aalis. Malayo kasi ang biyahe. Sa Vigan, Ilocos Sur sila pupunta... Sa Baluarte ni Chavit Singson. Ang maganda nito, free admission doon. Dagdag na tipid. Nandoon na ang lahat ng teachers kasama na ang principal at marami na rin ang mga estudiyante.

"Pasalubong ah, huwag niyong kalimutan!"

"Utang na loob, Drake! Kanina ka pa. Simula pagkagising mo, iyan na ang bukambibig mo. Hindi namin kalilimutan 'yan." yamot na wika ni Hunter.

"Nagpapaalala lang naman!"

Tahimik si Blade at mataman lang na nanonood sa dalawa. Kasi, kanina pa niya napapansin na pinagtitinginan ng mga tao si Drake. Kinakabahan siya, namukhaan yata ito. Lumapit si Mrs. Solano.

"Excuse me, kaanu-ano mo iyong namatay na pinsan ni Blade? Kamukhang-kamukha mo eh."

Napatingin din ang mga ibang guro at mga estudiyante. Kinabahan din si Rane ng mga sandaling iyon.

"Ano po... Kakambal po! Nasa ibang bansa po ako noong lamay at libing niya, hindi na ho umabot ang pag-uwi ko." nakangiwing paliwanag ni Drake.

"Ah, ganoon pala. May sakit ka din ba? Ang putla mo, iho."

"Wala po, hindi lang po kasi ako naa-arawan. May allergy po kasi ako sa sikat ng araw, kaya ganoon."

"Ah..." napatango-tango nitong wika.

Tinanong pa nito ang pangalan ni Drake at lumapit na ang ibang mga estudiyante at nakipagkuwentuhan na. Noong una ay tila naiilang pa si Drake dahil hindi siya sanay magpakita sa maraming tao. Pero sa bandang huli, nawala din ang nararamdaman niyang iyon. Nakahinga naman ng maluwag sina Hunter at Blade. Mabuti na lang at marunong itong si Drake.

Maya-maya pa, nagcheck na ng attendance ang mga guro para siguruhin kung nandoon na ba ang lahat ng mga estudiyante. Naroon na kasi ang mga bus na kanilang sasakyan.

"Okay, kumpleto na kayong lahat. Class II-A, sumakay na kayo sa bus number 1." wika ni Blade.

Kasama nila si Hunter sa bus at dalawa sila na mag-aasikaso sa mga bata.

"Sir, sandali! Sandali!"humahangos na wika ni Leah at kasunod nito si Karen.

"Bakit nandito kayong dalawa?" kunot-noo niyang tanong.

"Pasama naman sa inyo oh!" halos sabay pa na wika ng dalawa.

"Hindi! Bumalik kayo sa mga bus niyo! Anak na lase kayo, Oo." yamot niyang wika.

"Eh Sir, ginawan ko pa naman kayo ng cookies. Heto nga oh." saad ni Karen at agad na inilabas ang nakasupot na cookies.

"Salamat ah." agad na kinuha ni Blade ang supot na naglalaman ng pagkain.

"Sir..." nakangiting wika ni Karen.

"Pumunta na kayo sa bus niyo kung ayaw niyong maiwan. SHO!" itinaboy niya ang dalawa.

Saamantala, nakangiting nilapitan ni Drake si Rane.

"Hello, Rane!"

"Mabuti naman at hindi ka nabuko." nakangiti niyang saad.

"Ako pa, eh matalino ako eh! Kegtot my heart!"

Natawa na lang siya at napailing dito.

"Akin na ang mga gamit mo. Ako na ang magdadala at ihahanap kita ng magandang puwesto."

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon