29. "I'm Back!"

2.2K 84 2
                                    

"I'm Back!"

 

 

Yamot na napatingin si Blade sa screen ng t.v. habang nanonood siya.

"Manood na lang tayo ng anime. Wala namang magandang palabas." yamot niyang wika.

"One Piece na naman?! Sus naman, Blade magsawa ka naman!" wika ni Drake.

Napasimangot siya at napatingin dito. Pero hindi siya nagsalita.

"Tama si Drake. Kahapon, nagmarathon na tayo. Tapos, nirerecord pa natin iyong mga tagalize episode sa t.v. Puwedeng iba naman?" wika naman ni Hunter.

"Okay fine! Naruto na lang. Namimiss ko na din eh. Nasa part na ba tayo na kalaban na nila si Madara?"

"Yeah.. Doon na nga." wika ni Drake.

Tumayo na si Hunter para kunin sana ang dvd nang bigla silang makarinig ng sunud-sunod na katok. Kaya naman pumunta na ito sa may pintuan. Binuksan nito iyon at medyo napaatras ito.

"Sino iyan?" curious na tanong ni Drake.

"A-Ang mabuti pa, pumunta na lang kayo dito."

Nagtataka silang pumunta sa kinaroroonan nito. Napaatras din sila...

"Konbanwa minna san! I'm back!!..." ( konbanwa minna san-good eve everyone )

Ngiting-ngiti si Ai ng humarap sa kanila.

"AI?!!!.."

"Hai! Gobusata shite imasu!" ( Yes! It's good to see you again )

Napakurap-kurap si Blade.

"Anong ginagawa mo dito? Biglaan naman yata?" nawiwindang niyang tanong.

"Parang namiss ko na kasi ang Pozorrubio eh. Napamahal na kasi ako! Oh beloved Zorrubio! Blah, blah, blah... Zorrubio! Zorrubio!"

Kinakanta ni Ai ang Pozorrubio hymn. Hindi nga lang nito memorize ang lyrics.

"Anak na lase! Huwag mo ngang kalimutan iyong PO, sa Pozorrubio! Pumapangit sa pandinig kapag nawawala iyong Po!" puna ni Blade.

"Hmm... Oo nga ano? Nagaya ko lang kasi bigla iyong mga tagatawag ng pasahero sa jeep.. Ang pangit nga kapag nawawala iyong Po sa Pozorrubio.. Kasi kapag Zorrubio na lang, eh di ba.. Ibig-sabihin na noon sa salitang Pangasinan ay ipasok niyo?" napaisip pang wika ni Ai.

"Mismo.. Kaya puwede ba, kumpletuhin mo naman.." sagot ni Hunter.

"So, bakit ka nandito?" tanong ni Blade.

"Eh namiss ko kayo eh! Kaya sinamantala ko ang bakasyon sa amin. Ako, hindi niyo ba namiss?"

Ngumiti ng maluwang ang tatlo kay Ai.

"HINDE!!!..." sabay-sabay na wika nila.

Napasimangot tuloy si Ai ng di oras.

"Kisamma!!... Abuwisit ak pa! Nagdala pa naman ako ng mga pasalubong para sa inyo. May ilang piraso ng chocolates at mga sandamakmak na anime items... Like manga, dvd, mga pang-cosplay at souvenirs... Sayounara!"

Umatras na ito at akmang bibitbitin ang dalang maleta. Naalarma ang tatlo at agad na lumapit.

"Ikaw naman! Hindi ka na mabiro! Halika na, pasok ka sa loob!" wika ni Drake.

"Ako na ang magdadala ng maleta mo. Tinatanong pa  ba kung namiss ka namin? Oo naman. Binibiro ka lang namin eh, parang hindi ka na nasanay!" nakangiting wika ni Blade.

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon