"OUTING SA ANTONG FALLS"
"ARAY! Anak na lase! Masakit!!!..." ginagamot ni Blade ang pasa niya sa kanyang kaliwang pisngi. Masakit pa rin iyong sinuntok ni Raphael sa kanya.
"Ikaw naman kasi... Okay lang sana na magwala ka, kaso todo-todo ka naman sa pagmumura. Eh nandoon pa naman si Raphael. Nangako ka pa naman sa kanya na iiwasan mo na... Pero ano?"
"Wow! Kapag nagwala ka, sasabihin mo pang SALAMAT AH?!!! DINAYA NIYO KAMI! YEHEEY! LUTONG MACAU ANG CONTEST! Animal!"
Natawa si Drake at napakamot sa batok. Nasa kusina sila at kauuwi lang nila galing sa school.
"Siya nga pala, kaa-upload ko lang doon sa video ni Raphael sa youtube... Nagviral agad siya! Pero malamang, mas viral ka sa kanya kapag na-video ko 'yung pagwawala mo... Sayang, inawat kasi kita."
"HUS! Ande lay atet!" tumayo si Blade.
"Matutulog ka na?"
"Oo, bakit? Tatabi ka?"
"YUCK!"
"HUH, ASA KA! Joke lang 'yun!"
Iniligpit ni Blade ang mga ginamit niyang yelo at ointment. Dumiretso na siya sa itaas at natulog... Nakalimutan talaga niyang nandoon si Raphael, nangako pa man din siya dito na iiwasan na niya ang pagsasalita ng brutal... Kaya nga lang, over na nadudulas ang bibig niya kapag nagagalit siya o kaya nabibigla. Paano kaya ito? Si Raphael pa lang ito... Paano nga kaya kapag naisipan siyang puntahan ng dakilang si Michael? Lagot talaga siya...
Kinabukasan... Abala si Blade sa panood ng...
"Sige! Bugbugin mo ang animal na Crocodile na 'yan, Luffy!!!!.... 'Yan!!!... Gamitan mo ng goma-goma!!... Anak na lase!.. Wala nang tubig!!...." pinakapaboritong anime ni Blade ang One Piece!
Ehem! Ganyan talaga si Blade manood ng mga paborito niyang anime.... Inirerecord niya ang mga episode para mapanood din ni Drake sa gabi... Pareho nga kasi silang adik sa anime...
"Ayan!!.... Mahina na si Crocodile!!!... Tapusin mo na!!!...."
Hanggang sa....
"WALANG HIYAAAA!!!!!!.... ANIMAL!!!... ANAK NA LASEEEEE!!!!!!.... BUWISIT!!!!!!!!! BROWN-OUT!!!!!!!!...."
Kulang na lang basagin ni Blade ang T.V. ng mga sandaling iyon... Napatigil siya ng makarinig siya ng sunud-sunod na katok sa pinto... Napakunot-noo siyang pumunta sa pintuan... Binuksan niya iyon at...
"GOOD MORNING SIR!!!!!...."
Ang buong class II-A, at kasama din ng mga ito si Conrad na nakababatang kapatid ni Rane. Sa gulat ni Blade ay bigla niyang naisara ang pinto.
"Ano naman kayang ginagawa ng mga ito dito?!"
Muli niyang binuksan ang pinto... At nanlaki ang kanyang mga mata...
"HELLO SIR BLADE!!!..."
Kasama ng class II-A ang class III-A... Marahan siyang lumabas at napakunot-noo na tumingin sa mga ito. Ano bang nangyayari?
"HAAY... Ano bang ginagawa niyo ditong lahat?!"
"Sir, gusto lang naming sabihin sa'yo iyong tungkol sa outing... Bukas na iyon, di ba?" paalala ni Barry.
"Kayong lahat... Kapag nasa labas tayo ng school... Blade na lang ang itawag niyo sa akin, puwede? Pinatatanda niyo naman ako eh.... Teka, bakit kasama niyo ang class III-A?"
"Eh.... Narinig namin iyong tungkol sa outing niyo... Gusto naming sumama. Puwede ba, fafa Blade?" si Leah.
"Bahala kayo... KKB naman iyon eh.... Oh ano? Iyon lang ba ang rason kung bakit niyo ako pinuntahan?"
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...