"Sweet Strawberries.."
Nasa itaas ng isang malaking gusali sina Hunter, Drake at Ai.... Humahangang pinagmamasdan ni Ai ang buong paligid... Nasagot na ang mga katanungan niya.... Ngumiti siya kina Hunter at Drake... Pagkatapos ay tumuntong siya sa gilid ng gusali at itinaas ang mga kamay...
"Cool!!!....." sigaw niya.
Biglang tumalon si Ai sa gusali.... Mabilis naman siyang sinundan ni Drake... Inabot siya nito, pagkatapos noon ay binago nito ang anyo at inilipad siya nito pabalik sa gusaling kinaroroonan nila.. Napailing na lang si Hunter.
"Abuwisit ak pa!!... Kanina ka pa ah!!... Kapag ginawa mo pa ulit ang bagay na iyon, bahala ka na sa buhay mo!!..." napipikon na wika ni Drake.
Tumawa naman si Ai...
"Masaya lang ako na.... Nakilala ko kayo... Ang suwerte ko!... Cool!!!..."
"Okay, tama na iyan! Umuwi na tayo, walang kasama si Blade sa bahay..." wika ni Hunter sa dalawa.
"Daijoubu!!!..." excited na wika ni Ai.
Samantala, huminto na si Rane sa pagtakbo. Napagod na kasi siya at malayo naman na siya sa bahay ni Drake. Tumabi muna siya at sumandal sa isang puno... Huminga siya ng malalim...Bigla niyang sinalat ang kanyang labi...
"A-Ano ba naman ang nangyari na iyon?!!.... N-Nakakahiya!!..." atungal niya.
Panay ang sermon niya sa kanyang sarili... Ilang sandali pa ay kumalma na siya... Napaisip siyang bigla...
"T-Teka, bakit naman ako maiilang at mahihiya? Wala naman akong ginagawang masama ah? Sinusubukan ko lang naman siyang iligtas ah? Tama! Dapat balewalain ko na lang iyon... Hindi ako dapat mahiya at mailang!!.."
Iyon ang napagdesisyunan niyang gawin... Naglakad na siya pauwi...
Samantala, dumating na sina Drake, Hunter at Ai sa bahay.... Excited na pinuntahan ni Ai si Blade sa silid nito...
"Sana gising na si Blade sensei!"
Napahinto ng bahagya si Ai ng makitang nakabukas ng kaunti ang pinto.. Sumilip siya sa loob ng silid at napasinghap siya ng makitang gising na si Blade... Salat ng kanang-kamay nito ang labi at nakatulala sa hangin....
"BLADE SENSEI!!!!...."
Mabilis na lumapit si Ai kay Blade at niyakap niya ito... Napakurap ng dalawang-beses si Blade... Doon siya nagising mula sa panaginip niya.... Pumasok na rin si Drake sa silid at kasunod lang nito si Hunter..
"Ano bang- Blade!!!!...." excited din na lumapit si Drake kay Blade at niyakap niya ito...
"Salamat at gising ka na rin sa wakas!!... Nag-alala talaga ako sa'yo, bestfriend!!...."
Natatawa naman si Hunter na lumapit sa mga ito.
"Akala ko, maraming taon pa ang itutulog mo... Mabuti naman at mabilis kang naka-recover.. Ibang klase ka talaga, Captain!" wika nito.
Nagtatakang napatingin si Blade sa mukha ni Hunter matapos niyang marinig ang sinabi nito... Kung natulog siya, ibig sabihin ay panaginip lang iyong nangyari kanina...? Nakahinga siya ng maluwag.
"Matte, Blade sensei... Bakit basa yata ang mukha mo..?" nagtatakang tanong ni Ai..
Kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya, ganoon din si Drake.
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasíaSi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...