"An Angel's Love"
( Part II)
Nauuhaw si Blade kaya naman lumabas siya sa kanyang kuwarto at agad na dumiretso sa kusina. Nadaanan niya sa kumedor si Hunter na nakapangalumbaba at malalim na nag-iisip. Ala-una na ng madaling-araw at mukhang wala pa itong balak na matulog. Pagkatapos niyang salinan ng malamig na tubig ang baso ay pumunta siya sa kinaroroonan nito at naupo sa tapat nito.
"Hindi ka pa rin ba nakakapagdesisyon?" tanong niya.
Marahang tumingin si Hunter kay Blade.
"Ikaw Blade, nakaramdam ka na ba ng ganito?"
"Hindi ko alam... Hindi ko masasabi."
"Talaga? How about Rane..?"
Tumawa ng mahina si Blade at umiling.
"Hindi ako ang issue dito kaya tigilan mo ako."
Uminom si Blade ng tubig.
"I need your advise."
Inubos muna ni Blade ang laman ng baso at seryosong tumingin sa mukha ni Hunter.
"Ang masasabi ko lang, timbangin mo ang mga bagay-bagay bago ka gumawa ng desisyon. Gawin mo ang sa tingin mo ay tama. Ang importante at mahalaga, hindi ka magsisi sa bandang huli."
"So, tama pala ang binabalak ko... Hindi ako magpapaka-ipokrito, aaminin sa'yo na gusto ko si Serene. Medyo marami kaming pagkakaiba sa maraming bagay pero masaya ako na kasama siya."
"So, ano ang desisyon mo?"
Bumuntung-hininga ng malalim si Hunter at pagkatapos noon ay sinabi niya ang naging desisyon niya. Napataas ng kilay si Blade pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito.
"OH?! Gagawin mo talaga?"
"Oo. Napag-isipan ko na itong maigi at tinimbang ko na ang mga bagay-bagay.."
"Kung ganoon, good luck na lang sa'yo."
Kinabukasan, hindi mapakali si Serene habang naglalakad papunta sa lugar na napag-usapan nila ni Hunter. Kinakabahan kasi siya ng husto sa magiging sagot nito. Nakasuot siya ng kulay-puting t-shirt at maong na shorts. Medyo na-late na siya sa usapan. Mukhang pagagalitan siya ni Hunter.
Nakita niyang nakaupo ito sa malaking bato. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng anino. Nakatalikod ito sa direksyon ng papalubog na araw. Kulay-pula ang paligid. Panay ang buntung-hininga niya habang naglalakad siya palapit dito. Pinakakalma niya ang sarili.
"Your late.." bungad nito.
"Pasensiya ka na..."
"Lumapit ka dito."
Inilahad nito ang kanang-kamay at marahan siyang lumapit. Inabot niya ang kamay nito.
"Mag-relax ka lang.. Hindi ako nangangain."
"N-Natatakot ako eh... Sabihin mo na kasi!"
"Whoa! Huwag mo akong i-pressure, please? Natatawa ako dahil baliktad ang sitwasyon natin."
"Eh pasensiya na... Kailangan ko rin namang bumuo ng agarang desisyon. Nakaplano na ang lahat sa buhay ko, bago ka dumating... Pero masaya ako na nakilala kita. At hindi ko pinagsisihang sabihin sa'yo na..."
Hindi maituloy ni Serene ang sunod niyang sasabihin. Bagkus ay nahihiya lang siyang napatingin sa mukha nito. Hindi niya kasi alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob kahapaon para masabi niya ang kanyang nararamdaman.. Hindi biro para sa isang babae ang magtapat...
![](https://img.wattpad.com/cover/12363968-288-k12770.jpg)
BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasySi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...