35. "The Devil's Music"

2.5K 97 14
                                    

     "The Devil's Music"

 

 

 

Kagagaling lang nila Blade, Hunter, at Drake sa airport para ihatid si Ai... Pasalampak silang umupo sa sofa at halos sabay-sabay silang napabuntung-hininga.

"Grabeh, mamimiss ko ang batang iyon!" pakli ni Hunter.

"Speaking of miss... May namiss ka ano?" nakangising wika ni Drake.

Ngumisi din si Blade at tumingin ng nakakaloko kay Hunter.

Nairita naman na ang huli at sumimangot sa dalawa..

"Ano bang sinasabi niyong dalawa diyan, ha?!"

"Iba kasi ang amoy mo eh... Nangangamoy BIG APPLE OF THE USA ka.... Sabihin mo, saan ka galing kagabi?" nanunuksong tanong ni Drake.

"So, talagang may sa aso kang bampira ka? Por que ba nangangamoy big apple... May ibig sabihin na? Excuse me, ginutom ako kagabi kaya lumabas ako at kumain sa kusina. Apple ang kinain ko.. Green apple to be exact."

Napangalumbaba si Blade at napade-kuwatro. Ngumiti siya kay Hunter at matagal siyang tumitig sa mukha nito.

"What?!" maang na tanong ni Hunter dito.

"Tsk, tsk, tsk... Totoo nga na kumain ka ng apple kagabi sa kusina... Pero bago iyon, nasaan ka? Huwag kang magsinungaling... Nagkakape kami ni Drake kagabi sa kusina at wala ka... Alam naming wala ka, kasi nakabukas ang pinto ng kuwarto mo noong dumaan ako, at wala ka.." nakakalokong wika ni Blade.

Namula ang mukha ni Hunter at hindi makaimik. Yumuko siya at umiwas ng tingin sa dalawa.

"Ako na ang sasagot, umurong na ang dila eh..." presinta ni Drake.

Pasimple muna siyang tumingin kay Hunter na namumula ang mukha at unti-unti.. Pinagpapawisan na ito.

"Pinuntahan lang naman nitong si Hunter si Serene dahil namimiss niya... Kamusta ang naging pag-uusap niyo?" tudyo pa ni Drake.

"Don't deny! Huli ka na!" kantyaw pa ni Blade.

Sumimangot si Hunter... Totoo nga na pinuntahan niya si Serene kagabi...

"Oo na, pinuntahan ko si Serene kagabi. Ano, masaya na kayong dalawa?!" naasar niyang wika.

"Kamusta ang pag-uusap niyo?" usisa pa ni Blade.

"Tiningnan ko lang siya kung ayos siya... Hindi ako nagpakita. Malinaw nga ang usapan namin na dapat niya akong kalimutan... Pero hindi ko naman sinabi na kalilimutan ko siya...." mahina ang pagkakasabi niya sa huling sentence.

Walang-imik na tumayo si Drake at pasimpleng binatukan si Hunter.

"Aray! Bakit ba?!!.." angal ni Hunter dito.

"Literal kang lumipad ng thousand miles para lang makita siya... Pero hindi ka man lang nag-hello?!!!... Hindi mo siya kinausap?!!..."

"Pinuntahan ko siya para makita lang. Masaya na ako sa ganoon, okay?"

Napailing na lang si Drake at hindi na nagsalita. Pasalampak itong naupo sa dati nitong puwesto sa sofa. Hindi naman umimik si Blade, tumingin lang siya dito... Umiwas naman ng tingin si Hunter sa dalawa... Matagal na katahimikan ang namayani sa paligid.... Ilang sandali pa, nakarinig sila ng sunud-sunod na katok sa pinto. Tumayo si Hunter.

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon