"Ang bahay ni Sir, Blade"
Lumabas na nga ang mga estudiyante at naiwan si Blade at Wilbur. Galit na hinarap ni Blade ang sinapian niyang estudiyante...
"Animal ka! Umalis ka diyan sa katawan ng estudiyante ko! Anong rason mo? Bakit mo siya sinaniban?" galit niyang tanong.
Ngumiti lang ng matipid si Wilbur at nanlilisik ang mga matang tumitig sa kanya.
Samantala... Maging ang ibang mga estudiyante ay nakikiusyoso na rin sa labas. Nagkumpulan silang lahat sa labas ng classroom at inaantay ang anumang mangyayari.
"Ano na kayang nagyayari sa loob?" tanong ng isang lalaking estudiyante.
Dumating si Mrs. Talea, mataba ito at medyo may edad na. Galit na galit itong bumungad sa mga estudiyanteng nag-uusyoso sa labas ng classroom. Takot na napatingin ang mga bata dito.. Kilala kasi si Mrs. Talea bilang isang TERROR na teacher.
"Anong ginagawa niyo dito?! Bakit, anong ginagawa ng Sir niyo?!" galit nitong tanong sa mga estudiyante...
"M-Mayroon pong sinapian..?!" takot na wika ni Louie.
"A-ANO?!!" di makapaniwalang wika ni Mrs. Talea sa bata.
Bumalik na lang tayo kina Blade. Huminga muna ng malalim si Wilbur at nang-iinsultong tumingin sa mukha ni Blade.
"Rason ko? Wala lang, trip ko!" nanlilisik ang mga mata ni Wilbur.
Mayabang pa siyang nag-dirty finger sa kanyang guro...
"Kung gusto mong umalis ako sa katawan ng estudiyante mo... Labanan mo ako." hamon pa nito kay Blade.
Gigil na ikinuyom ni Blade ang kanyang mga kamao at ngumisi ng palihim... Akala siguro ng kung sinumang espiritu na sumanib sa estudiyante niya eh hindi siya pumapatol?! Puwes, isang malaking pagkakamali ang inakala nito dahil pumapatol talaga siya sa kahit na anong laban!
"Hmmm... Animal! Sige, lalabanan kita!" sagot niya.
Samantala, hindi na kinaya ni Mrs. Talea ang inis na nararamdaman niya... Kaya napagdesisiyunan niyang pasukin na ang silid. Hindi siya naniniwala sa sagot ng mga bata... Biglang bumukas ang pintuan. BLAG! Si Mrs. Talea humahangos na pumasok at maang na napatigil ang dalawa na handa na sanang sugurin ang isa't-isa...
"Anong nangyayari dito?!" galit na tanong ni Mrs. Talea.
Binalingan ito ni Wilbur at napatikwas ang kanyang mga kilay sa bagong dating... Bigla niya itong dinuro at...
"Hoy Baboy! Huwag kang nakikialam!" galit na wika ni Wilbur.
Natigilan si Mrs. Talea sa ginawa ng bata at nabigla. Pinigilan naman ni Blade ang sarili na matawa. Lumapit siya kay Mrs. Talea para magpaliwanag sa nangyayari.
"Madam baboy ay-! Madam Talea nga pala... Sinaniban siya kaya ganyan. Hindi si Wilbur ang nagsasalita sa mga panahong ito kundi ang masamang espiritu na nananahan sa kanyang katawan. Lumabas na kayo at ako na ang bahala..." pigil ni Blade ang pagtawa habang nagsasalita at medyo nakakaloko ang boses nito.
Mataman namang sumunod si Mrs. Talea. Lumabas na ito ng walang imik pero malakas na ibinalibag ang pinto ng pasara... BLAG!!!!..... Tuluyang ngumisi ng nakakaloko si Wilbur ng makalabas na ang guro... Bumaling ito kay Blade at mayabang na tumingin ng panghamon.
"Ha ha ha ha! Laban na ngang talaga!" si Wilbur.
Ngumisi naman pabalik si Blade. Walang alam ang espiritu na ito kung sino at ano siyang talaga. Malaking pagkakamali ang ginawa nitong paghamon sa kanya.

BINABASA MO ANG
Sir Blade
FantasiSi Blade ay isang anghel na aksidenteng napakawalan ng high school student na si Rane... Trinaidor siya ng mga kasama niyang anghel na sumama kay Lucifer... Magiging adviser ng class II-A si Blade na siyang kinabibilangan ni Rane.. Kakaiba siyang an...