38. "TRULY, MADLY, DEEPLY"

2.4K 106 7
                                    

"TRULY, MADLY, DEEPLY"

 

Magkasabay na naglalakad sina Blade at Hunter papunta sa school ng mamataan nila ang isang estudiyanteng babae na nakahinto sa paglalakad... Bigla itong umatras, iyon naman pala ay dahil may dalawang lalaki na nakaharang dito. Mabilis na tinakbo nina Hunter at Blade ang kinaroroonan nito.

"Hey, whazzzup doc?!" tanong ni Blade sa estudiyante.

Ginaya niya si Bugs bunny ng Looney tones.

"Eh Sir Blade... Sila kasi eh... Tuwing papasok ako, lagi na lang nila akong inaabangan... Natatakot na nga ako eh!" sumbong nito.

Napatingin sila ni Hunter sa mga lalaking tinutukoy nito.. Ang isa ay may kapansanan... Putol ang kaliwang-braso nito at may malaking puknat sa ulo... Iyong isa, mukha namang normal kahit paano..

"Uy, bakit niyo tinatakot itong estudiyante ko?!" galit na kastigo ni Blade sa dalawa.

Sumagot ang isang lalaki, iyong mukhang normal.

"Mhendi Mhanim Mhinamangot Mhsi Mhebs Mhko... Mhininighawan mhang Mhaning Msya... Mheto Mhashing Mhanget Mnha Mhahimhaw mnha mheto mhang mhinamhamhamhutan mhi Mhebs Mhko..." mahabang wika ng lalaki.

At habang nagsasalita ito, tawa ng tawa sina Blade at Hunter... Maluha-luha sila sa kakatawa... Hindi naman sa panlalait, pero sadyang hindi lang nila mapigilan.

"A-Ano raw?! H-Hindi ko naintindihan! Anak na lase!!.." natatawang wika ni Blade.

"Ang sabi niya... Hindi namin tinatakot si Babes ko. Nililigawan namin siya. Ito kasing pangit na halimaw na ito ang kinatatakutan ni Babes ko..." translate ni Hunter.

"Hindi ako halimaw! Okitnam na ngongo! Umalis ka nga dito, ang feeling-feeling mo!" inis na wika ng lalaking may kapansanan.

( Okitnam-putang-ina mo )

"Mhanget?! Mhinde Mha Mhamheemhling?!!.. Mhukol mhka, Mhuknat mhpa!!.." sagot naman ng lalaking ngongo dito. ( Bakit?! Hindi ka ma-feeling?!! Pukol ka, puknat pa!! ).

Hindi maintindihan ni Blade ang sinasabi ng ngongo pero hindi niya mapigilang hindi matawa.

"Animal! So, magkaribal kayong dalawa?!"

Tahimik lang si Hunter at natatawa. Sabay naman na tumingin ang dalawa sa dalagitang estudiyante.

"Oo.. Hello loves!"

"Mhi, Mhebs!" ( Hi, babes! )

Mabilis naman na nagtago ang dalagita sa likuran ni Hunter.

"Hoy! Kayong dalawa, tigilan niyo nga itong estudyante ko ay! Ang bata-bata pa niya para sa mga edad niyo. Para niyo na itong anak! Animal naman kayo na anak na lase ay! Tsaka, tingnan niyo nga itong estudiyante ko... Ang ganda-ganda niya... Kayo naman eh mga NEVER MIND!!... Kuuu!!! Puwera-lait!" tiningnan ng matalim ni Blade ang dalawa.

"MHsir... Mhab Mhis MHine... Mhege Mhasent Mhater.."

Tumawa si Blade at sinapo ang noo... Wala talaga siyang maintidihan... Tumingin siya kay Hunter.

"Ang sabi... Sir, Love is blind. Age doesn't matter.." translate ni Hunter at tumawa.

"Sir naman, hindi naman siguro masamang manligaw..." wika pa nung isang lalaki.

"Ah ganoon?"

Biglang nag-isip si Blade at pilyong tumingin kay Hunter...

"Ano na naman iyang naiisip mo, ha?"

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon