21. Lightning Sword

2K 91 3
                                    

     "LIGHTNING SWORD"

 

"Blade, umalis na tayo..." wika ni Hunter.

"S-Sana may paraan para maibalik natin si Drake sa dati. Handa kong ibigay ang immortality ko..." seryosong wika niya.

"Handa ko rin namang gawin iyon. Pero sa ngayon, ang kailangan nating gawin ay hanapin siya... At kapag nahanap natin siya, gagamitan natin siya ng ating Angel's Chain... Ikukulong natin siya hanggang sa makahanap tayo ng paraan para maibalik natin siya sa dati." wika ni Hunter.

Napabuntung-hininga si Blade at tumingin sa paligid. Nakita niya ang kuwintas ni Drake sa pinanggalingan ni Brach. Pinulot niya iyon.

"Mukhang may pag-asa pa nga tayo, Hunter. Nandito pa ang kuwintas. Kapag naisuot natin ito sa kanya, babalik na sa atin ang ating kaibigan.. Ang aking bestfriend.."

Ibinulsa na ni Blade ang kuwintas. Pagkatapos noon ay nag-ipon siya ng lakas. Lumabas na sa gusali si Hunter. Pagkalabas niya ay biglang gumuho ang gusali. Winasak iyon ni Blade.

Samantala, ikinuwento ni Hydrian ang nangyari sa kanyang mga kasama. Halatang nagulat ang mga ito.

"Magaling ang ginawa ni Brach... Napakasaklap naman kapalaran ng bampirang kaibigan ni Blade... Pabor na pabor sa atin ang nangyari... Hindi na natin magiging problema sina Blade kapag nagkataon.. Wala nang pipigil sa atin para mai-summon dito sa mundo ang Seven Prince of Hell at magsisimula ulit tayo ng digmaan laban sa kalangitan... Sa pagkakataong ito, mukhang tayo ang panalo.." nakangising wika ni Ike.

"At ano naman ang lagay ni Brach?" tanong ni Vaulant kay Hydrian.

"Bugbog na bugbog siya. Ang dami na nga niyang dugo sa katawan. Ayon, at iniwan ko siya dahil naramdaman ko ang aura nina Hunter at Blade... Malamang, nasa impiyerno na siya ngayon at kalaban na nila Blade ang Blood Demon.." kuwento pa nito.

Biglang sinuntok ng malakas ni Vaulant si Hydrian. Natumba ito at dumugo ang labi nito. Inis na pinunasan ni Hydrian ang gilid ng kanyang labi at matalim na tumingin kay Vaulant.

"Ano bang problema mong animal ka? Buwisit kang lase!" galit na wika ni Hydrian.

Lumapit si Vaulant dito at marahas na dinaklot ang kuwelyo ng damit nito.

"Ikaw ang may problema! Iniwan mo si Brach sa masamang lagay?! Duwag kang animal ka! Wala kang kuwenta! Ni hindi mo man lang siya tinulungan?!"

"Ha ha... Sa simula pa lang... Lahat naman tayo, walang-kuwenta.. Bakit ko naman siya tutulungan? Siya naman ang may gawa ng kalat niya... Siya ang magligpit. Wala pang nagawang pabor sa akin si Brach... Kaya bakit ko siya tutulungan?" nakangiti nitong sagot.

Marahas itong binitiwan ni Vaulant. Tumayo ang mga kasamahan ni Hydrian at iniwan itong mag-isa. Napahalukipkip na lang ito at napailing.

Kinabukasan, nagtataka ang mga estudiyante at mga co-teachers ni Blade... Napakaseryoso ng mukha nito at hindi man lang nguminngiti. Hindi ito nangungulit. Ganoon din kay Hunter dahil suplado ito ngayon... Nakaupo sa mesa ngayon si Rane... Nakapangalumbaba siya at nag-iisip ng malalim... Nalilito pa rin kasi siya. Ilang sandali pa, umupo din sa mesa sina Hunter at Blade. Halos sabay din na napangalumbaba ang mga ito... Walang umiimik sa kanila. Medyo nailang si Rane sa dalawa niyang kasama dahil parehong nakatitig ang mga ito sa kanya.

"May gusto ba kayong sabihin sa akin?" biglang tanong ni Rane.

"Ah wala!" halos sabay na sagot ng dalawa sa kanya.

Sir BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon