Chapter 5- Fearless

2.8K 88 28
                                    

"Play the song para sa mga nagmahal muli..😉"

Sasha's POV

Mabilis umusad ang araw at halos mag-dadalawang buwan na kami ni Jayme dito sa Canada. Naging maayos ang trabaho na napuntahan ko, mabilis kong nagamay ang pasikot-sikot sa coffee shop, naging maayos rin ang pakikisama ko sa mga kapwa ko worker at sa boss naming si Ms.H.

At si Justin? Ayon napaka-consistent sa panliligaw sa akin, nakakatuwa lang isipin na di siya nagbabago kahit na madalas nasusungitan ko siya, napaka-tyaga niya sa ugali ko. Kaya naman mas napalapit ako sa kanya at aaminin ko may iba na ako nararamdaman para sa kanya. Siguro ito na yung time para buksan ko uli ang puso ko para sa iba.

Handa na muli akong lumaban at magmahal muli. Ngayon hindi na ako susuko. Di na madadala. Di na magiging bato. Dahil pinapangako ko sa sarili ko ngayon hindi ako kailanman magsasawang magmahal.

Kung kinakailangan kong ibigay muli lahat, ibibigay ko, buong puso, buong sarili, buong mundo, ibibigay ko nang paulit-ulit, ng buong-buo.

Dalawang taon, pitong buwan, tatlong linggo, apat na araw, limang oras, at sa wakas, handa na ako. Handa na akong pumusta, handa na akong sumugal. Magmahal muli ng walang takot. Hindi na takot na masaktan muli. Hindi na takot na umasa pang muli. Handa na ako!

*****

Alas dos ng hapon nasa bahay lang ako off duty kasi ako today, mas pinili ko magstay nalang sa bahay kesa lumabas at maggala wala din naman kasi ako makakasama dahil may mga trabaho sila.

Naupo ako sa kama na hawak ang ipad ko, naisip kong buksan ang facebook account ko na matagal ko ng di nabibisita. Maraming kung ano-anong notification hindi ko na inisa-isang tingnan iyon kundi inayos ko lang ang account ko pinalitan ng bagong profile at cover. Muli kong nasilayan ang dating profile na gamit ko ang larawan na kung saan kami ni Drix ang magkasama. Napaisip ako kung idedelete ko na ba yun o hahayaan nalang.

Dahil hindi naman ako bitter, hinayaan ko na lang yun sa fb ko. Nangangako ako na simula sa araw na 'to, kahit anong klaseng pait ang matikman ko sa pag-ibig, hindi ako tatabang, ako'y mananatiling matamis, hindi kailanman magmamaasim.

"Ito na ang aking bagong simula." bulong ko sa sarili.

Ilang minuto pa ang dumaan ng biglang tumunog ang celfone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ilang minuto pa ang dumaan ng biglang tumunog ang celfone ko.

Justin calling....

Me: Hello...
Justin: Hi pretty girl, how you doin'?
Me: I'm good, and you?
Justin:Very good and inlove
Me:hmmm...bakit ka napatawag, breaktime?
Justin:Yup! I want to hear your voice every minute, every seconds of everyday.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon