Sasha's POV
Luminga-linga ako sa paligid ng kwarto ni Drix habang papasok ako, medyo makalat iyon. Nakatingin lang siya sa akin habang wala ako imik, tila napansin naman niya ang pag oobserba ko sa loob ng kanyang silid.
"Ahm..pasensya ka na ha, medyo makalat itong room ko," napatingin ako sa kanya na isa isang dinadampot ang ibang damit na nagkalat sa room niya. "I-inaayos ko na kasi ang mga dadalhin ko e, kaya nagkalat dito." paliwanag pa niya.
Naagaw naman ang atensyon ko sa maletang nakalatag sa kama niya. May iilang mga damit ng nakalagay dito. "A-aalis ka nga..." pabulong kong sabi at napatingin uli sa kanya.
Lumapit siya sa akin. "Maupo ka muna," mahinahon niyang sabi at inalis ang damit na nakapatong sa may kama niya.
Naupo ako sa may dulo ng kama niya habang siya naman ay naupo rin sa tabi ko. "S-saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin ngunit nakayuko naman ako."Sinabi ba ni Louie boy, sayo?" tumango lang ako sa tanong niya.
Napatawa siya, dahilan para iangat ko ang mukha ko at tingnan siya. Napakunot ang noo ko dahil sa naging reaksiyon niya. "May nakakatawa ba sa tanong mo?" clueless kong tanong uli.
Napamaang siya at biglang tikom ang mga labi sa pagtawa. "Ha? H-hindi...w-wala naman. Natawa lang ako kasi napaka tsismoso ni Louie boy, nasabi na agad niya sayo." seryoso niyang paliwanag.
"Bakit, ayaw mo ba na malaman ko na aalis ka?" may pagtatampo sa tono ko.
Medyo may gulat sa kanyang reaksiyon sa sinabi ko.
"Ah...e...di naman sa ganun, Cassie. Balak ko naman ipaalam talaga sayo, katunayan nga pupuntahan sana kita after ko mag-ayos ng gamit ko, kaso naunahan mo na ako." paliwanag niya."Bakit?" malungkot parin ang tono ko
"Ha? Anong bakit?" pagtataka niyang reaksiyon
"Why you are leaving again, bakit kailangan mo uli akong iwan?" malungkot na tono kong tanong sa kanya.
Hinawakan niya ako sa baba para iangat ang mukha ko't iharap sa kanya. "Cassie, aalis ako dahil sa offer sa akin bilang isang branch supervisor, hindi ako aalis para iwanan ka. Hindi naman kita kayang kalimutan e...kahit na si Justin ang pinili mo at hindi ako." may lungkot sa tono niya.
"Ano?" medyo pagulat kong tanong sa kanya, dahil hindi ko alam kung bakit niya nasabi na I choose Justin over him kahit di naman iyon totoo. "That's not true...Justin and I is over..." pag-amin ko sa kanya.
Tila naman nagulat siya at napakunot-noo sa sinabi ko at napatingin lang siya sa akin at di pa makapagsalita. "Tinapos ko na kung ano man yung namagitan sa amin ni Justin. Alam kong nasaktan ko siya...and I don't force him to forgive me now, I know that I need to wait, para mapatawad niya ako."pagpapatuloy ko pa.
"Hindi niya kasi sinabi sa akin..." halos pabulong niyang sabi
Iiling-iling lang ako.
"Hayaan mo na muna siya, kaya ako nandito ngayon para sa akin mo mismo malaman." nakangiti kong tugon.
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan