Sasha's POV
Kinaumagahan maaga ako nagising para maghanda ng gagamitin at para magluto ng aalmusalin namin ni Jayme. Kung dati nung nasa Taiwan kami ay basta nalang kami babangun at pupunta sa canteen para kumain, ngayon iba na. Halos gawain na namin lahat sa bahay ni Jayme, dahil dadalawa naman kami magkasama kaya nagluto ako ng breakfast para sa amin lang. Pagkatapos kong magluto inihanda ko na rin ito sa mesa tsaka ko ginising ang tamad na bakla kong kasama.
Lumapit ako sa may pintuan ng kwarto niya at saka sabay sabay ang katok na ginawa ko may kasabay pang kunting sigaw.
"Hoy! Senyora bumangon ka na po, breakfast is ready!" sabi ko at muli kong kinatok ang pinto.
Maya-maya pa nabuksan na ang pinto at mumukat-mukat na bakla ang humarap sa akin.
"Good morning bessy," paos niyang boses.
"Good morning, halika ka na po magbreakfast na tayo senyorita," panunudyo ko sa kanya.
Tumalikod na ako sa kanya at bumalik na sa harapan ng mesa, naupo na rin ako at nag-umpisa ng kumain.
"Anong oras umalis si paps kagabi, bessy?" tanong niya habang papalapit sa akin.
"Hindi ko na alam kung anong oras 'yon, di naman sya nagtagal saglit lang din kami nagkausap pagkaalis ni Derrick." sabi ko at tuloy lang ako sa pagkain
"And speaking of Derrick, kumusta naging usapan niyo?" tanong niya uli ng makaupo at nag umpisa narin kumain
"Ok naman," tipid ko sagot
"As in di ka na nagalit sa kanya, di mo siya sinumbatan, blah,blah,blah?"
Napatingin ako sa kanya.
"Alam mo kumain ka na, walang nangyaring ganon ok kami, masaya na siya sa buhay niya, ok ako sa buhay ko."
*******
"Bessy! Andito na sundo mo!" sigaw ni Jayme
"Sundo?" bulong ko sa sarili habang inaayos ang gamit sa loob ng bag ko.
Paglabas ko ng kwarto sumalubong sa akin ang nakangiting si Justin.
"O, anong ginagawa mo dito?" biglang tanong ko ng makita ko siya.
"To pick you up, para ihatid ka sa work mo," nakatawang sabi niya
"Akala ko ba, after work mo ako susunduin?"
"Actually, 'yon ang sabi ko sa'yo pero naisip ko kanina na daanan ka narin tutal same way lang naman ang work place natin." Paliwanag pa niya
"Ah...,ok..., so pano tara na? Baka malate pa tayo e," nakangiting sabi ko sa kanya
Nagpaalam muna kami ni Justin kay Jayme bago tuluyang lumabas ng bahay.
"Bes, alis na kame, see you later." nagbeso pa ako kay Jayme
"Ok sige, take care bessy. Bye papi Justin...ingatan mo si bessy, ha?" malanding tono ng bakla
"Hay naku, Justin let's go, wag mo ng pansinin 'yan." sabi ko sabay hila ko sa kamay si Justin palabas ng bahay.
"Bye...Jayme! Don't worry I will!" sigaw ni Justin ng lingunin niya si Jayme na kumaway kaway pa.
Sumakay na kami ni Justin sa kotse at marahan niya itong pinaandar. Habang nagmamaneho siya napapansin ko ang pagsulyap niya sa akin na busy sa pagkakalikot ng celfone ko. Well, matagal-tagal narin kasi akong hindi nagsosocial media, sa whatsapp lang kasi kami nagkakausap nitong si Justin.
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan