Chapter 30- Time & Space

2.6K 84 7
                                    

Drixler's POV

"Gwapo where are you going!" Sigaw ni Louie sa akin ng bigla ko nalang siyang tinalikuran at mabilis na lumabas ng bahay't sumakay ng kotse ko.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko patungo sa bahay ni Cassie para kausapin siya. Nakita ko yung galit sa mga mata ni Justin kanina ng suntukin niya ako, ngayon ko lang siya nakitang ganun. Pero Mahal ko si Cassie. Mahal na mahal ko siya. Lalo na ngayon, wala akong gustong mangyari kundi ang makita siya. Gusto ko siyang yakapin, halikan, lahat! Gusto kong alisin yung sakit na nararamdaman niya ngayon. Damn it!

Nanginginig rin talaga ako sa galit kanina dahil sa sinabi ni Justin. "Gago ka! Sisiguraduhin kong hinding hindi ka makakalapit kay Sasha!" napailing ako ng maalala ko muli ang sinabi niyang iyon. Pinagbawalan na'ko ni Justin na lapitan si Cassie, pero walang makakapigil sakin. Gagawin ko lahat makalapit lang sa kaniya. Pinagbawalan man ako ni Justin, hindi nya ako matitinag. I will do anything, para ibalik ang lahat sa amin ni Cassie.

Pagtigil ng kotse ko sa tapat ng gate ng bahay ni Cassie agad akong bumaba ng sasakyan at pinindot ang doorbell. Napayuko ako habang naghihintay ng magbubukas ng gate. Ilang sandali pa bumukas iyon at si Jayme ang nakaharap ko.

"Oh, papa Drix." bati nito ng makita ako

Pumasok ako ng bahagya sa loob. "Good evening Jayme," nakangiti kong bati.

Tila napansin naman agad niya ang putok kong labi dahil sa pagkakasuntok ni Justin. "Napaano ka paps, anong nangyari sa mukha mo?" puna pa niya't nakatingin sa mukha ko.

Pasimple akong napangiti at naging kaswal lang sa harapan niya. "Medyo naaksidente lang, wala 'to wag mo nang pansinin. Ahm..gising pa ba si Cassie?" sabi ko na inililinga ang mata sa paligid ng bahay nila.

Napatingin ako kay Jayme na kakamot-kamot ng ulo. "Ah.. papi, yun nga e, mukhang wala sa mood si bessy. Siguro mas maigi kung palipasin mo muna ang init ng ulo niya, may di ata sila pagkaka-unawaan ni Justin." mahinahon nitong paliwanag.

"Ganun ba?" parang biglang nawalan ng pag-asa sa boses ko.

"Oo, nagbilin kasi siya sa akin na ayaw niya raw muna makipagkita o makipag-usap kahit kanino...pati na sa'yo." sabi pa ni Jayme

**************

Sasha's POV

Sumilip ako sa bintana mula sa kwarto ko ng marinig ko ang pagtigil ng isang sasakyan sa labas ng gate namin. Si Drix ang nasilayan ng mga mata ko na bumaba ng kotse, lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Jayme sa living room. Patayo na ito para tingnan kung sino ang tao sa labas ng gate namin na nag doorbell.

"Jayme!" agad kong tawag sa kanya.

"Juskoday! Ano ba bessy nanggugulat ka naman." Gulat na sabi niya at napahawak pa sa dibdib niya.

"Sorry,"

"Bakit? May tao sa labas bubuksan ko baka jowa mo 'yon."

"Hmmm..pwede bang paghinanap ako pakisabi ayaw ko munang makipag-usap sa kahit na sino," pakiusap ko sa kanya

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon